Thalia

78 6 15
                                    

Hi. I'm Thalia Marie Moriana. I'm just an ordinary girl living in Herish City. So i just want to tell you that this song is dedicated to my friend Gino.

Leron-leron sinta, buko ng papaya
Dala-dalay buslo, sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran humanap ng iba.

"Yehey! Ang galing mo naman Thalia." Nakangiting tugon ni Gino.

Siya si Gino. He is my bestfriend. He is always here to support all of the things that I've done.

I hit the stop button. Natawa nalang ako ng balikan ko ang panahon na yun.

Narinig kong bumukas ang pinto at pinahiran ko ang mga luha ko.

"Ate, kakain na daw tayo." Sabi ni Josh. Siya ang kapatid ko.

"Oo sige. Susunod nalang ako." Nakangisi kong sambit.

Lumabas na siya at iniligpit ko na ang video tape na pinanuod ko kanina.

Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa may gilid ng ilog at dun muna tumambay.

"Thalia." Narinig ko na may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko nakita ko si Gino

"Oh Gino? Tatambay ka rin ba?" Tanong ko.

"Oo. Boring kasi sa bahay." Nakapout na sabi nito. Hindi ko pa ba sinasabi na crush ko tong lalaking to. Ayun sinabi ko na.

Ayaw kong sabihin kasi baka masira ang pagkakaibigan namin.

Lumipas ang isang araw masaya kaming nagkwentuhan at nagtawanan.

~Kinabukasan

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo ko. Dinala ako nila mommy sa hospital at nagulat ako ng sabihin nila ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng pananakit ng ulo.

"Anak. Sabi ng doctor may Brain Tumor ka. Kailangan mong maoperahan para matanggal ang bukol sa utak mo para hindi na ito lumaki pa." Mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy.

"Ma, wag na po kayong umiyak. Kakayanin ko po lahat ng sakit para humaba pa ang buhay ko." Sabi ko.

Nakita ko naman na bumukas yung pinto at pumasok si Gino. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko siya.

"Thalia! Anong nangyari sayo? Ba't hindi mo ako tinawa-"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Gino tama na." Mahinhin kong tugon.

"Anong tama na! Diba magbestfriend tayo?" Nanginginig na ang boses niya.

"Oo! Bestfriend lang kita! At bakit? Kailangan ba lahat ng nangyayari sakin dapat malaman mo? Bestfriend LANG kita. LANG okay?" Tumingin ako sa kabila para hindi na siya pansinin.

"Ayaw mo na ba akong makita? Ayaw mo na bang makita ang cute kong mukha?" Sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko alam pero kumirot ang dibdib ko.

"Ano ba Gino! Hindi mo ba nakikita! Nahihirapan na ako. Hindi natin alam, kahit anong oras pwede na akong kunin.!" Sigaw ko.

"Nandito lang ako para say-" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Gino! Umalis ka na nga! Hindi kita kailangan! Hindi!" Sigaw ko ulit.

Naramdaman kong parang nasasaktan siya.

"Alam ko na pagod ka lang. Ok lang kung ayaw mo muna akong kausapin. Sige na pahinga ka na. Alis muna ako." Narinig ko naman ang mga yapak niya paalis. Bumukas ang pinto at sumara.

Unseen (One-shot Story)Where stories live. Discover now