Naririnig mo yun?

37 2 1
                                    

A/N:

            hello sa inyo!!!!!!!!!!!! ^^ first one shot story ko! wala lang try ko lang siya...hahhaha! corny to kaya pagpasensyahan! wala naman kasi akong experience sa mga love love na yan...hahahha! imagination lang ang gumagana kaya parang walang feelings yung pagkakagawa! pasensya naman! XD

  pero sana magustuhan niyo parin!^^

----------------------------------------

Naririnig mo yun?

By: thegirlwithoutaname_

"uy, naririnig mo yun?"

"ay palaka!" 

napahawak ako dibdib ko sa sobrang gulat, kahit hindi ko pa nililingon kung sino yung bigla bigla na lang nagsalita ay alam ko na na si Chris iyon. Tinignan ko siya ng masama, bwiset talaga tong lalaking to!

nakatingin lang din siya sakin with his usual expressionless face.

"ano bang problema mo? ba't bigla bigla ka na lang nagsasalita dyan?"

halos atakihin na kasi ako sa puso, hindi lang sa sobrang gulat kundi dahil na din sa kabang naramdaman ko nang marinig ko ang boses niyang kasing lamig ng yelo.

tinignan niya muna ako ng mga ilang segundo tapos nag shrug at tumingin na sa unahan saka naglakad palayo tapos pumasok sa Classroom namin.

nasa may corridor kasi ako at naglalakad papuntang room nang bigla na lang siyang sumulpot sa kung saan.

huminga ako ng malalim at pinakalma ang puso kong kanina pa nagwawala nung bigla siyang dumating.

bwisit talaga yung lalaking yun, dumaan lang  para palakasin ang tibok ng puso ko! kainis! at ano yung sinabi niya kanina? 'uy,narinig mo yun?' ano naman yung tinutukoy niya dun di ba?

at ang nakakainis pa, lagi niya yung sinasabi sakin pagnakikita niya ako, tapos bago ko pa matanong kung ano yung sinasabi niya na naririnig niya ay bigla bigla na lang din siya maglalakad paalis! nakakainis noh?

minsan tuloy nababagabag na ako, naiisip ko kasi na baka naririnig niya na yung tibok ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito pag nandyan siya. augh! di ko na talaga alam ang iisipin! wag naman sanang ganun!

ewan ko ba dun kay Chris, dati naman ni hindi man lang niya ako napapansin. kahit na sabihing magkaklase kami, pili ang mga taong kinakausap niya dati, at hindi ako kasama sa mga taong yun na mabibilang mo lang sa isang kamay.

ang totoo kasi niyan, una ko palang siyang makita nung first year kami, ewan ko, bigla ko na lang naramdaman yung puso ko na nagwawala na sa loob ng dibdib ko. At hindi na nag bago yun hanggang nga ngayon na 4th year high school na kami.

di ko din ba alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya, basta bigla ko na lang naramdaman yun. Love at first sight? siguro...

well one sided love lang naman ang sitwasyon ko sa kanya noon, minsan lang kami nakakapag-usap kapag magkagroup lang kami, at ang malala pa dun puro yes, no, pwede, sige lang yung sinasabi niya. Minsan nga iniisip ko kung may problema ba siya sakin, pero mukha namang wala dahil ganun din siya sa iba pa naming kaklase. Napakasungit kasi at isnabero.

Naririnig mo yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon