Chapter 3: Mr. Cupcake

Depuis le début
                                    

"Teka, parang pamilyar ang pirmang ito sa akin..." narinig kong sabi ni Jeron.

"Ano, so, kilala mo si Mr. Cupcake?" -ako

"Parang, pero di ko sure kung sya nga...pero para makasigurado ako, pwede ko bang picturan itong post-it na ito?" tanong nya.

"Sure." sabi ko. Tapos ay kinuha nya yung phone nya at pinicturan yung papel "Ate Aine, i'll confirm it first muna ha, tapos sasabihin ko sa'yo." sabi nya sa akin matapos niyang ibalik yung phone sa bag niya.

"Ah, okay..." sabi ko sa kanya.

Jeron:

See, may POV din ako, di pwedeng wala, dahil kahit di ko i-confirm, kilala ko si Mr. Cupcake na tinutukoy ni Ate Aine. Kaya naman pagkahatid ko kay Kaina sa kanila, agad na rin akong umuwi. Alam ko kasing maabutan ko si Mr. Cupcakes dahil wala silang game ngayon at hanggang 12 noon lang ang practice nila sa Nega Gym. Pagkatapos kong mag-park ng kotse ko sa garahe ng bahay namin, pumasok ako sa loob at naabutan ko si Dichi Almira na naglalaptop.

"Shobe, sina mom and dad?" tanong ko.

"Ah, nasa hardware sila today Je." sagot sa akin ni Ate.

"Si Ahia?" tanong ko. 4pm na kasi nang mga oras na iyon

"Nasa kuwarto nyo yata, dumating na kanina galing ng practice eh." sagot niya.

"Okay...Thanks." sabi ko. Pagkatapos ay agad akong umakyat papunta sa kuwarto namin, at yun, naabutan ko siya, naglalaro ng 2K14.

"Pasali ako dyan." sabi ko sa kanya pagkapasok ko sa kuwarto namin.

"Ayoko nga..." sabi ni ahia sa akin.

"Sige na..." sabi ko. pipilitin ko talaga to...

"Sige na nga." sabi ni Ahia Jeric sa akin. Sa wakas.

"Tapos yung matatalo, sasagot sa bawat tanong nung panalo." sabi ko.

"Ano?!" reklamo ni ahia.

"Sige na..." pilit ko.

"Sige, sabi ni ahia. "Game!"

At ayun na nga, nagsimula na kaming maglaro, sa una, nakakalamang sya, pero syempre, di ako magpapatalo dahil ako ang may kailangan, and luckily, umayon ang tadhana sa akin. Nice one Jeron!

"So, paano ba yan ahia, panalo ako..." sabi ko sa kanya.

"Ano pa bang magagawa ko." sabi ni Ahia Jeric "Ibato mo na yang mga tanong mo." maktol pa niya.

Kinuha ko muna yung phone ko, tapos inopen ko yung note na na picturan ko kanina "This is your signature, right?"

Jeric:

"This is your signature, right?" sabay pakita sa akin ni Jeron ng phone nya. Nang makita ko, "Oo, akin nga yan." sagot ko. "At bakit mo naitanong?" tanong ko.

"Tanong ko muna sagutin mo." sabi sa akin ni Jeron. Okay  fine, siya na. "So, tell me, pati yung Take Care, ikaw din ang sumulat?"

"Anong...." saka ko tiningan uli yung picture. Teka, eto yung note na galing dun sa box ng cupcake na binibigay ko kay Aine, paanong...

"Ahia, seriously asking, Ikaw ba si Mr. Cupcake na every morning, for the past seven days, nagbibigay ng cupcake kay Ate Aine na ipinaaabot mo sa guard nung shop nina Ahia Jorel?" tanong ni Jeron sa akin.

No choice, kailangan ko na syang sagutin, buko na ako eh. "Ah..eh...oo." pag-amin ko. "Eh kasi naman, nahihiya ako kay Aine eh, kaya naisip ko, magbigay na lang ako ng cupcakes every morning tapos lalagyan ko ng note na yan, every morning, dumadaan ako sa favorite pastry shop ko to order that cupcakes tapos dinadala ko sa kanya bago ako pumunta sa practice." paliwanag ko.

"Partida, dumadamoves ang Jeric Teng..." sabi sa akin ni Jeron.

"Ewan ko sa'yo, at teka, paano mo nalamang kay Aine ko binigay yan?" tanong ko sa kanya

"Kaibigan ko kasi yung Aine na pinupormahan mo." sagot sa akin ni Jeron. Nice, kaibigan pala siya ni shoti eh, di na ako mahihirapan. "Paanong...-ako."

"Kaibigan sya ni Kaina. Tapos nakwento nga nya sa amin yung tungkol dyan kasi balak ka nyang gawan ng "Thank You" letter na ipapabigay nya dun sa bantay nila sa shop." sagot ni Jeron

"Ah...oo, si Manong Jun, sabi ko kasi doon, wag babanggitin ang pangalan ko at baka di tanggapin ni Aine yung cupcake."

"Ayan tayo eh..." si Jeron. "Don't worry, pag ininvite ko ulit si Kaina dito sa bahay, isasama ko siya."

"Really?" tanong ko, ibang klase talaga itong si Jeron, maasahan sa oras ng pangangailangan.

"Di ka naniniwala? e di wag na lang!" biro niya sa akin.

"Bakit sinabi ko bang di ako naniniwala?" tanong ko.

"Okay. Fine." sabi nya uli, basta ako nang bahala sa meet up nyo ni Ate Aine, don't worry." assurance ni Jeron sa akin. Di ko na rin mahintay yung day na iyon na makikilala ko na ng mabuti si Aine.

Only HumanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant