Engagement

1 1 0
                                        

"Hoy Analie! Tumayo tayo ka dyan, kala mo kung sinong maganda e katulong ka lang naman dito," isang nakakabinging pagbubunganga na naman ni Thalia.

Umaga pa lang ay kailangan ko ng gumising para magsaing, maglaba, maglinis, magplantsa, magkuskos ng sahig at kung ano pa, tipikal na ginagawa ng isang kasambahay. Ano nga ba naman ako dito sa pamilya? E isang hamak na napulot lang naman ako sa kalsada ng tiyuhin ko na yumao na at ibinigay dito kay Madam Auria. Hindi naman sa hindi ako nagpapasalamat dahil kahit papaano ay may tinitirhan pa ko pero bat naman ganto? Inggit na inggit pa 'tong si Thalia sakin dahil maraming nagsasabi na kutis mayaman daw ako kahit na inaalila na ng iba.

"Iron my clothes" wika nya kahit alam kong sasabog na ang kulo nya dahil tinanghali ako ng gising kagabi, ikaw banaman ang paglabahin ng dalawang kabungkos na labahin at ibibigay sayo ng alas singko pa ng hapon at kailangan daw to matuyo ng tanghali at aalis pa si Madam.

Agad agad naman akong bumangon pagkasabi nya non at baka maisipan nya pa 'kong buhusan ng tubig gaya na lang ng ginawa nya nung nakaraang linggo. Minsan naisip ko kung tama pa ba ang trato nila sakin. Kung bakit ba naman iniwala ko ng pamilya ko? Kung bakit dito pa ko sa kanila napadpad?

Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang waitress sa isang bar. Isa rin ito kung bakit tanghali na ako nagigising. Ang perang nasasahod ko ay napupunta din kay Madam dahil utang ko daw ito sa pagpapalaki nya sakin kahit na alam kong dapat ay sa akin talaga ito.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FlawsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon