Chapter 2: First Meet Up

Comenzar desde el principio
                                    

Jorel's POV

Pag magkikita talaga kami ni Jeric, asahan mo, may mga sabit na fans lagi sa likod, hay naku, kungsabagay, guwapo naman talaga sila ni Jeron, may pagkagwapo rin naman ako, pero mas sikat sila..ano konek? hulaan mo...hahahaha! "So, what makes you here Shoti Jeric?" tanong ko sa kanya.

"Wala, binibisita lang kita, di ka na kasi nadalaw sa bahay eh, mabuti pa si Aimee..." sabi ni Jeric.

"Nakow, tampolotiks na naman etong si Jeric, alam mo namang busy ako sa pagtuturo sa school, tapos etong coffee shop pa." paliwanag ko.

"Di naman ako nagtatampo, ikaw naman..." sagot uli ni Jeric. "Na miss lang kita, alam mo namang ikaw lang ang ka-close ko pag di ko trip si Jeron."

"Ayan tayo Jeric eh, sabihin mo kasi kay Tita Susan at Tito Alvin na ampunin na ako, para may Teng na rin sa apelido ko." natatawang sabi ko.

"Baka naman ipalit naman ako sa'yo. Ako naman ang maging Tan..." sabi ni Jeric.

Ganito kami ni Jeric, asaran, kulitan, since mga bata hanggang ngayon...ay teka! nakalimutan ko sina Rye at Aine "Nga pala pare, sina Rye at Aine, mga kaibigan ko. Guys, meet Jeric Teng, family friend namin and...ahem...player ng Rain or Shine.

"Nice to meet you Jeric..." sabi ni Rye sa kanya.

"Same din to you." sabi naman ni Jeric.

"Hi Jeric..." sabi ni Aine

"Hi Aine..." sagot ni Jeric sabay shake hands kay Aine, which is di nya ginawa kay Rye...teka, dumadamoves ba itong si Teng? hmmm....

"Jorel, punta muna kami ni Aine sa counter." sabi ni Rye.

"Ah, okay..." sagot ko at niyaya na nga niya si Aine papuntang counter. Habang naglalakad sila palayo, napansin ko namang naging malungkot bigla si Jeric. "Uy shots, may problema?"

"Ha? ah...eh...wala..." sabi ni Jeric. "Teka, kanina pa tayo dito pero wala ka pang pa kape sa akin, sabi ni Ate Alysh, masarap daw yung Caramel Machiatto dito."

" Ay, oo." sabi ko, tapos tinawag ko si Apple para dalhan si Jeric nung sinasabi niyang drink. After a minute or three, sinerve na sa kanya yung Coffee nya. "So Jeric, what's with the sad face kanina?" tanong ko.

"Sad face? wala yun kuya..." sagot ni Jeric.

"Hoy, kilala kita...tell me, naka-crushan mo si Aine no?" nakangiting tanong ko kay Jeric.

"Uy kuya, wag ka ngang ganyan..." si Jeric. "Pero kung ma-crushan ko man siya, hanggang dun na lang, may boyfriend na eh, yung si Rye."

"Bogaloidz!!! di nya boyfriend yun." sagot ko sa kanya.

"Talaga?" masiglang tanong ni Jeric sa akin.

"Anak ng! yan tayo Jeric eh!" sabi ko sa kanya.

"So, pwede ko siyang ligawan?" tanong ni Jeric sa akin

"Ano?! ligaw agad? sapak gusto mo?" biro kong sabi kay Jeric.

"Ahia naman eh..." suway ni Jeric sa akin. Hay naku etong batang ito, kakakilla pa lang ligaw na kaagad ang iniintindi.

Aine's POV

Pinagmamasdan ko siya mula dito sa counter. Lokong Jeric yun, nakipagshakehands lang ako, para akong kinuryente, ano ba siya, poste?! anyways, ewan, pero iba pakiramdam ko sa kanya, parang...ah, basta, ayoko sabihing inlove agad na serious na inlove talaga, sa sobrang sikat nya, di kami bagay...aish! Aine, kainis ka talaga...

"Mas guwapo ako dyan!" maktol ni Rye mula sa likod ko. Isa pa pala ito.

"Di ko siya tinitingan no?" sabi ko sa kanya.

"Di daw, pwede ba wag mo akong lokohin Madelaine..." patampong sabi ni Rye sa akin

Humarap ako sa kanya at kinurot ko ang pisngi nya, "Sus, nagseselos ka no?" sabi ko.

"Eh kasi naman Aine...natipuhan mo sya agad, first meet pa lang, samantalang ako, tagal ko nang nagpapapansin, waley lang sa'yo."

"Ano ka ba, I know he's cute...pero wala pa sa utak ko ang magkaroon ng boyfriend sa ngayon. Kailangan ko munang pumasa sa LET at makapagturo bago ako mapunta dyan..." paliwanag ko kay Rye.

Rye:

Ewan ko, pero simula nang makita ko si Jeric Teng in person, naiinis na ako. Kasi naman, pormahan ba agad si Aine, yung totoo? ngayon ko lang siya nakita sa personal although naririnig ko na name nya dati kasi naglalalaro sya for UST sa UAAP. King Tiger, Gunslinger, Chinito, ang daming tawag sa kanya pero I don't care, wag nya lang pupormahan si Aine ko dahil pag nagkataon, naku...ewan ko na lang! Napapansin ko ang pasulyap sulyap niya dito sa may counter, minsan nga nagkakapang-abot pa sila ng tingin ni Aine pero si Aine na yung umiiwas.

"Sigurado ka?" tanong ko kay Aine matapos yung paliwanag niya sa akin.

"Oo naman...alam mo yan Rye..." sagot ni Aine

"Mabuti naman...kasi maghihintay talaga ako sa'yo." sagot ko. Di biro yun, maghihintay talaga ako, well, kung liligawan sya ni Jeric Teng at yun din ang isasagot nya, may the best man win na lang!

Only HumanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora