chapter 1

19 4 0
                                        

Annyeong Haseyo chinggu's! Je ireumeun Trish-imnida ^0^  Feeling half Korean hakhak 4th year highschool....

Okay tama na ang introduction, nandito nga pala ako ngayon sa hall nag lalakad papuntang classroom eh maaga pa naman eh kaya nag ikot-ikot muna ako, himala nga kase ang aga ko ngayon mwehehe

"Labz! Mabuti naman at nandito kana, na miss na miss na miss at sobra pa sa miss na kita"
Sabay akbay, anong pinag sasabi nitong lalake na to?



Siya nga pala si AJ, first boyfriend ko, actually 4 months palang kame nyan, kalog din tulad ko at mahal na mahal ko yan kahit marami na ang naging kabit nyan este ex...


"Ba't ang tahimik mo ata ngayon? Iniisip mo ako noh?"
Aba ang loko oh, ang kapal din nito minsan eh psh!

"Ang hangin ah! Sino ka para isipin?" Inirapan ko nalang sya kase ayokong ipakita yung mukha ko dahil sigurado akong namumula na to dahil sa kilig sabay alis ng kamay nya sa balikat ko

Lumakad na kame hanggang sa makarating na ako sa pinto ng classroom ko

"Sige na pumunta kana sa classroom mo, baka malate kapa sa first subject nyo" sabay tulak ko sa kanya pero mahina lang naman

"Geh mamaya sabay tayong umuwi ah! Bye!" pagkatapos nyang mamaalam pumasok na ako sa room, Hindi ko sya classmate pero mag ka batch din kame, nasa kabilang room lng yung sakanya


Agad akong sinalubong ni Rose Ann pag ka pasok ko, naka wide smile pa yan at kitang-kita mo yung gilagid nya... Pssssh! Wag nyo akong isusumbong sakanya ah mwehehe

"Uyyy Trish!!!!! May good news ako!!! May audition daw dito sa campus!" Sabi nya at patalon-talon pa sa tuwa

"Talaga? Kailan? Anong klaseng audition?" Nanlaki naman ang mata ko sa tuwa, mas malaki pa sa kwago

"Dance daw! Sali tayo ah!!! Next week na raw gaganapin" napapalakpak nyang sabi

Girl Meets ImmoralStories to obsess over. Discover now