I still think of you

Začít od začátku
                                    

“E kung bilhin mo na kaya? Last na to oh parang hinihintay ka talaga.”pinakita niya sa akin ang huling dalawang piraso ng caps. Ngumiti pa siya na tulad ng mga saleslady.”Sige na po Miss, huling pares na po ito.”

Hinablot ko ang mga ito at dumeretso sa counter. Parang tuwang-tuwa pa siyang nakipila sa likuran ko. Bubulong-bulong ng pang-aasar.

“Oh sabog na naman ang Notifs ko.”

Pinakita niya ang phone niya sa akin. Kinuha ko ito pero nadismaya lang ako lalo sa nakita ko. pinagkukumpara ng mga fans ang pictures naming ni Mika noon at mga pictures naming ni K.

“Bakit hindi mo ipost ang mga recent pics ni ni Mikang? Alangang wala kayong pictures.”

Meron naman pero hindi na naming pinopost yung mga pictures. Kapag mga groupie lang, yun lang ang pinopost namin.

“Sa bahay ko ulit ikaw matutulog?”

The usual. Pumunta muna kami sa dorm para kumuha ng gamit ko. Nakakahaggard no? Hayaan mo na lang Masaya naman e.

Nakauwi narin siguro sina Mikang. Mag-6:00 na rin e. Nakahiwalay na ang cap niya. Sa tagal ng panahon ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito. Ngayon ko lang kasi siya ulit bibigyan ng gamit na may kapareho sa gamit ko.

Rinig ko na ang ingay ng team. Kaya dere-deretso na rin kami ni K papasok.

“Hello guys!” bati niya sa kanila.

“uy may bisita. Behave!” kunwareng pagmamabait ni Cienne. “baka gusto mong dito na rin matulog Kris? Aba linggo-linggo na ka rin dito ah? Lipat dorm na kaya?”

“Push!”sabay-sabay nilang sigaw.

”Para may kakwentuhan tong si Ara kapag inaatake ng insomnia. Hindi yung mambubulabog.”dagdag ni Carol.”tapos sabaw mode pag umaga na.”

“Hihiramin ko muna siya.”natatawang sagot ni K.”ihahanapan ko na ng lovelife. Nauurat na ako e.”

“Ikaw na lang kasi!”pahabol ni Cienne habang papunta kami sa kwarto naming ni Mika.”muling ibalik na yan!”

Napailing na lang ako. lagi naman nila kaming binubuyo sa isa’t-isa pero para sa amin hanggang pagkakaibigan na lang talaga. Wala ng spark. Nakahiga siya sa kama ko habang kumukuha ako ng ilang damit ko.

Siya namang pagbukas ng pinto at pumasok si Mika na nagulat pagkakita kay K.

“Uy! Mikang! Hello!”masiglang bati ni K sa kanya.”hiramin ko muna si Ara ha?”

Nananadya ba to? parang gustong-gusto niyang Makita kong walang pakialam si Mika sa akin. tumango lang kasi si Mika saka nilapag ang bag niya.

“Ganda ng Cap mo ah.”

Napatingin ako sa nakapatong sa ulo niya. Ganun yung cap ni Keifer.

“Cute no? pareho kami ni Keif.”

Now I remember. Nagdalawang isip tuloy ako kung ibibigay ko pa yung cap sa kanya. humiga si mika at nagpaka-busy sa Phone niya.

Ako dapat ang katext niya e. noon kahit nandito lang kami sa iisang kwarto magkatext pa rin kami kahit mga non-sense lang ang topic.

Binilisan ko ang pag-eempake para makaalis na kami at hindi abutin ng matinding traffic. Nauna nang lumabas si K dahil nagpapalit pa ako ng sapatos.

“nagbalikan na ba kayo?”

Napatigil ako sa tanong ni Mika. Umiling ako.

“Libre naman ang pag-stay dito sa dorm bakit kailang mong Linggo-Linggong matulog sa bahay nila? pinagpipiyestahan na kayo ng mga fans mo ah.”

Pagkasintas ko ng sapatos ko tumayo na ako.”Si K, kung gugustuhin naming pwedeng maging kami at susuportahan rin kami ng pamilya namin.”

“Bakit hindi mo pa balikan?”

“I’ll ask her later kaya nga ako matutulog sa kanila e.”

“Good luck best!”excited siyang napaupo.

Isinukbit ko na ang bag ko. “Kita na lang tayo sa Meet Up bukas.”paalam ko sa kanya.

Bago ko buksan ang Pinto ay tinawag niya ulit ako.

“Bakit?”lingon ko sa kanya.

“Thank you.” Saad niya habang nakangiti.

Nginitian ko lang siya saka. Minsan kong narinig ang pag-uusap nila ni Cienne tungkol dun. Na gusto niya mauna akong magkagirlfriend para alam niyang may magmamahal na sa akin.

Pwedeng-pwede kong sabihing hindi kami pwede ni K. Pero naiisip ko ring parang nakasalalay naman sa akin ang kaligayahan ni Mika. Mahal niya si Keif.  She has very expressive eyes that I could even see how much she loves that guy.

--

AN: yah know what? hindi ko talaga maisingit sa week nights ang update dahil sa work. hay. but yeah basta may free time at kapag hindi ako stress..gagawa ako ng ud.ahe. good night!

Five Words For YouKde žijí příběhy. Začni objevovat