"Proove to me that I shoukd trust you, ayoko sa lahat iyong niloloko ako!" sabi ko at pinaringgan si Wade.

"Sige, kung iyon lang ang paraan para pag katiwalaan mo ako." sabi niya at bahagyang ngumiti.

Pinilit kong magalit pero hindi ko kaya, tumalikod ako atsaka naglakad papalayo sakanila.

Kung gusto niyang pagkatiwalaan ko siya, edi gumawa siya ng paraan, hindi naman palaging ako ang mag-aadjust para sa kumag na iyon, tao lang ako, napapagod, nasasaktan at na-iistress.

Umuwi na ako mag-isa at hindi na hinintay ang dalawang lalaking iyon, nag tricycle nalang ako atsaka umuwi.

Pagkarating ko ro'n, nauna pa itong dalawa sa'kin. Andito na sila at inaabangan ako sa gate.

"Aubrey..." sabi ni Wade.

"Manloloko." sabi ko.

"Totoong gusto kita, at ayaw ko na rin ang binabalak ko sa'yo." sabi niya.

"Tweet tweet sabi ni ibon, kung kaya mong manloko ng hayop na katulad mo, pwes, hindi mo ako maloloko." sabi ko at tinulak siya atsaka dumaan.

Pag-akyat ko sa 2nd floor, ando'n na agad si Darryll, ang bilis niya talaga, sabagay may powers.

"Sorry na, Aubrey." sabi niya at nagpapacute pa.

Napatingin ako sakaniya, gosh, Ang cute niya. Pumikit pa siya at parang nag-piplease, bakit ba siya ganito? Well, galit ako sakaniya kaya hindi ko talaga siya papansinin.

"Tumabi ka, mahihiga na ako." sabi ko.

Nagulat ako nang buhatin niya ako at bumagsak kaming dalawa sa kama, nakangiti siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Gusto ko sabay tayong matutulog." sabi niya.

"Matulog ka mag-isa mo." sabi ko at umirap.

"Sungit naman." sabi niya at ngumiti.

Hinalikan niya ang noo ko at naramdaman ko nalang na nakapalupot na sa'kin ang braso ni Darryll.

"Goodnight Aubrey, Maniwala ka sa'kin, hindi kita sasaktan." sabi niya malapit sa aking tainga.

"I could die and fight breaking their commands." sabi niya.

Hindi ko siya naintindihan pero pumikit nalang ako at nakatulog.

__

Pag-gising ko, nasa tabi ko si Darryll at hinihintay ang pag-gising ko, napatingin siya sa'kin ng nagising ako.

"Goodmorning Aubrey!" sabi niya at ngumiti.

Inirapan ko lang siya at tumayo at pumuntang cr. Nagtoothbrush na ka'gad ako atsaka bumaba, nakasunod naman itong si Darryll.

"Goodmorning Aubrey." sabi ni Wade.

"Anong maganda sa umaga kung pagbaba ko rito nakikita ko na agad ang mukha mo." sabi ko at inirapan siya bago lampasan.

Mas mabuti nang nag-iingat ako kaysa pagkatiwalaan ko itong mga manlolokong ito, akala mo naman kailangan ko sila, mga plastik.

Dumiretso ako sa kusina, "Madam, paki init nalang iyong Sinigang, iyon nalang kakainin ko." sabi ko at ngumiti.

Tumango lang siya bilang sagot, bumalik ako sa dining area at umupo naro'n, and'on sila Darryll at Wade pero ako naman ay hindi kumikibo.

Nanatiling masungit ang aking mga mata maging ang ekspresyon kaya nakakatakot talaga ang itsura ko.

"Let's eat." sabi ni Wade nang dumating na ang pagkain.

"Uhm, Sumabay kana sa'kin." sabi ni Wade.

"No thanks, baka mamaya saan mo pa ako dalhing manloloko ka." sabi ko at inirapan siya.

"I guess sa'kin pwede kang sumabay?" sabi ni Darryll.

"I don't trust you either, sympathetic." sabi ko.

"Why?" sabi ni Darryll.

"Because you're a liar." sabi ko.

"Do you know the truth?" sabi ni Wade.

"Rinig na rinig ko kayo ni Lannie, Wade. Huwag ka ng magmaang-maangan, huli kana eh." sabi ko.

"If you want me to trust you..." sabi ko at tumingin kay Darryll sa mata.

"Then win my heart, if you do, I'll trust you."

__

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now