Prologue

306 4 0
                                    


"The Famous Pretender"

PROLOGUE

"Sira ka ba ha?!. Ang kapal mo grabe!. Binigyan ba kita ng pahintulot para gawin yun?. Masyado kang mahangin alam mo ba?! Ang sarap mong ingudngod sa inodoro!. Eh kung patayin na kaya kita?. Mabuti pa nga para mawala ka na talaga sa mundo!. Ganyan ka ba talaga ka pakialamero?. Baka naman bakla ka?. Kase lahat ng pakialamero bakla para saakin. At isa pa, huwag ka na ulit magpapakita saakin ha?. Kundi kakalbuhin kita!. Understand?!"

*sigh*

"Ang tanga mo Sae! dapat yun yung sinabi mo eh!" sabi ko sa sarili ko. Dapat sinumbatan mo siya ng ganun para manahimik na ang pakialamerong yun!. Hindi yung ibubuhos mo ang galit at hinanakit mo sa kawawang punong katabi mo.

Napasabunot nalang ako sa sobrang frustation na bumabalot saakin. Ganoon ba ako ka weak para hindi masabi sakanya yun?.

Napakapakialamero kasi nung lalaking yun eh. Pilit nangengealam saamin ng boyfriend ko. Alam ko namang hindi niya ako gusto pero patuloy parin siya sa pagsira sa nananahinik na relationship namin.

"Just break-up with him" napalingon ako at nagsitaasan ang mga balahibo ko sa nakakaasiwang pagmumukha na nakita ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinagbuhusan ng galit ang halaman sa tabi ko. Pinagbubunot ko ang dahon nito at walang-awang pinagpupunit na parang papel.

"Sae!" napalingon ulit ako dahil sinigaw niya ang pangalan ko. Attention seeker talaga ang lalaking to oh!.

"Bakit ba?!" irita kong sagot na tanong.

"Hiwalayan mo na siya!"

"Bakit ba?! Palagi mo nalang sinasabi yan?. Halata namang wala kang gusto saakin, pero please naman manahimik ka nalang dahil mageexist ang forever saaming dalawa!" sigaw ko sakanya. Nabigla ako sa sinabi ko at napatakip ako ng bibig. Totoo ba yung nangyare?. Sinigawan ko ang 'The Alluring Genius' ng aming school?. Tiyak patay ako sa mga fangirls nitong kabayong to!.

"Wala akong nakikitang forever sainyo. Mabuti pa gawin mo na ang sinasabi ko sayo.Baka magsisi kapa at umiyak sa harapan ko."

"Ayoko!"

"the decision is yours. Bahala ka na! Hindi na ulit kita papayuhan pa." then he left me. Hindi ko talaga alam kung bakit siya ganun. Hindi ko alam kung maniniwala ako sakanya at susundin ang payo niya. Pero mahal na mahal ko ang boyfriend ko at alam kong mahal din niya ako.

So my decision is 'no'.

Bahala na kung sa huli magsisi ako

♡♡♡♡♡♡♡

It only consists of mga 10 chapters +.

The Famous PretenderWhere stories live. Discover now