Laro tayo #Hugot

14.8K 120 25
                                    

Credit to the owner
by: Michelle Bundalian

Tagu taguan maliwanag ang buwan wala sa likod wala sa harap magbilang ka ng tatlo at magtatago na ako isa..Dalawa..Tatlo
Tika magtatago pa ba ako?
Nung nasa harapan mo nga ako hindi mo na ako makita paano pa kaya pag nagtago pako.
Walang saysay ang nahanap kung liblib na taguan.
Kung wala naman sa plano mo ang ako'y matagpuan.
Para saan pa ang pagtatago ko.
Kung iba naman yung hinahanap mo.
Matanong ko lang? ayaw mo ba talaga sa larong tagu taguan?
O sadyang ayaw mo lang sa kalaro mo kaya bigla kang nagbubulag bulagan?
Kasi kung tungkol ito sa laro, pwede naman nating palitan
Palitan natin ng habul habulan
Wag kang mag alala dahil sa larong to ako naman ang taya.
Hahabolin kita habang hinahabol mo siya
Pero bakit ganon? nasa likod mo lang ako pero hindi mo parin ako makita
Tapos na ang tagu taguan pero bulag ka parin
Ay oo nga pala, paano mo nga naman ako makikita kung ayaw mo akong lingunin.
Kung sabagay yung mata mo palaging sakanya lang naman nakatingin
Kaya hindi na ako magugulat na kahit sa larong to hindi mo ako mapansin.
Ilang laro pa ba ang kailangan nating gawin
Pakiramdam ko kasi nagkakadayaan na tayo eh
Hindi naman sa pikon ako
Pero sa totoo lang napipikon na nga ako
Dahil sa bawat laro na dapat iniinganyo
Bakit palaging ako yung madalas na dihado
Naglaro na tayo ng tumbang preso
At dun palang talo nako
Dahil ako ang nagsilbing lata at ikaw naman ang tsinelas na naging sanhi ng pagtumba ko.
Naglaro na rin tayo ng tamaang tao, ikaw yung tao at ako naman yung bola na iniiwasan mo
Nagkaroon ako ng kaunting chansa nung naglaro tayo ng patintero
Kasi akala ko yun na yung tamang pagkakataon para makapag papansin sayo
Kaya hinarang kita ng hinarang
Pero anong ginawa mo? nilagpasan mo lang ako
Lumilipas ang oras, lumulubog ang araw sa dami rami ng nilaro natin ni isa wala akong naalala na nanalo ako
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Para sa huling larong ito
Itaas mo ang iyong kamao
Maglaro tayo ng bato batopik
Dahil sa larong ito hindi pwede ang parehas na papel📃,parehas na bato at parehas na gunting✂
Dahil iisa lang ang pwedeng magwagi
At iisa lang din ang maaring umuwi ng sawi... At ako yun
Dahil ako ang gunting at ikaw ang manhid na bato
Umpisa pa lang alam kung talo nako
Pero pinilit ko pareng makipaglaro
Nagbabakasakaling baka pwedeng magbago ang ikot ng mundo
Pero magkamali ako
Nagkamali ako
Tika lang timepers
Nakakapagod na
Magpapa alam na ako sayo at sa mga larong pambata
Lilisanin ko na ang pinagtataguan ko at ang pwesto kung lata
Kaya paalam na uwian na
Hindi na masaya
Paalam na uwian na
Hindi madali pero alam kung bukas, mamaya ko sa makalawa
Darating din ang oras na makakalimutan kita...
Sa ngayon ang kailangan ko lang gawin ay ipikit ang mata at tanggapin
Na sa laro ng PAG IBIG malabo mo akong mahalin...😢

Spoken Words (Poetry)Där berättelser lever. Upptäck nu