1♤

870 11 2
                                    

(UNIQUE X READER)

"Ahm Koi!  Samahan mo 'ko bili tayo" sabi mo. Pero sya busy sa pagsusulat.

"Oi ano?  Gusto mo bang punitin ko yan?" Iritang saad mo pero pinagpapatuloy nya pa den ito.

"Aish!  Bahala ka nga" sabi mo at ikaw nalang ang mag-isang namili ng ice cream mo.

Iritadong pumunta ka sa tindahan at nakita mo si Blaster.

"Hey Francheska!" Pagbati nya sayo.

"Hello Ter" nakasimangot mong sagot.

"Ano ginagawa mo dito sa tindahan?" Lutang nyang tanong.

"Hindi ba halata?  Malamang bibili" sagot mo.

"Hehe" sabi nya at napakamot sa kanyang ulo.

Umalis na si Blaster dahil pupuntahan nya daw si UNIQUE mo. Napatango ka nalang dahil galit ka kay Koi. Umuwi kang mag-isa sa bahay nyo at nakabusangot. Hindi mo napansin na nakailang messages na pala sayo si Unique.

"Sorry pala kanina"
"Oi"
"Nasaan ka ba puntahan kita?"
"Sorry talaga"
"Francheska!"

Iilan lang yan sa mga sinabi nya sa text.

"Punta ka sa tambayan namin dali" text uli ni Unique.

Nagtaka ka kung bakit ka nya pinapapunta at nagmamadali pa sya kaya nagtungo ka na din.

Pagkapunta mo sa tambayan nila, ang daming mga lobo at kung ano anong nakasabit sa bawat dadaanan mo. Yung iba pa ay may mga picture nyo ni Unique.

Bigla kang may narinig na tugtog ng gitara kaya pinuntahan mo ito.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo~" pagkanta nya at nakatitig sayo. 

Parang bumagal lahat pati ang pagtakbo ng oras dahil sa pagkabigla mo.  Hindi mo naisip na sosorpresahin ka nya ng ganto. Dahil kung tutuusin wala syang ginawa kundi ang asarin ka.

"Pasensya na dahil hindi kita napansin kanina.  Busy lang ako dahil ginagawan kita ng kanta.  Kantang alam kong magpapasaya at magpapakilig sa taong mahal ko.  Walang iba kundi ikaw yon Francheska." Sabi nya.

Hindi mo alam kung ano ang mararamdaman mo dahil kanina parang galit ka sakanya pero ngayon gustong-gusto mo na sya yakapin.

'Kung lumisan ka, wag naman sana'

Biglang lumapit sayo si Unique at binigyan ka ng isang galon na ice cream.

"Siguro sapat na yan?" Saad nya.

Pero may pahabol syang bulaklak at halik sa iyong noo.

"I love you Francheska, ikaw lang ang aking mundo" sabi nya.

"I love you too Unique, mananatili lang ako sa piling mo"

Niyakap mo sya ng mahigpit na parang wala ng bukas.

IV of Spades (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon