"The play you were talking about?"

She nodded. "Yes." A sighed after, a heavy one. "Ayoko ngang mag-auditon e kaso wala kaming choice."

I was about to answer her when the phone in my pocket vibrated. Agad ko iyong kinuha at nang makita ang pangalan nung taga mainetance sa Montereal Place ay agad na sinagot. "Hello po?"

"Hello, Sir Tyler," sagot nung lalaki sa loob. "Yung taga Maintenance po ito."

I just hummed in answer. I already knew that. Hinintay ko na lang ang sunod nitong sasabihin. "Sir, okay na po pala itong unit niyo. Napatuyo na po namin lahat. Napalitan na rin po yung mga gamit sa sala at doon sa kwarto."

"What?" gulat kong tanong. I was not expecting that. Akala ko'y gaya nung mga iba ay patutuyuin lang din nila saka ibabalik.

"Nirequest po kasi ni Sir Slade," sagot nito.

Oh. That's why.

"Okay," nasabi ko na lang. "Salamat po sa pagtulong."

"Wala pong anuman."

At doon na natapos ang tawag.

"Sa unit mo?" tanong ni Vanessa.

Ibinalik ko iyong cellphone sa bulsa bago tumingin sa kanya. Tumango ako. "Yes." Then I laughed. "But it is Slade's. Anyway, naayos na raw nila. Pwede na ako ulit doon."

Natigilan ako't parang doon pa lang nag-sink in na hindi ko na makakasama si Vanessa sa iisang kwarto.

Sa loob ng isang linggo, nasanay na ako.

Nasanay na akong doon matulog sa sahig, kahit pa paminsan-minsan ay naroon yung takot na bumalik iyong ipis.

Nasanay na akong puro kulay green 'yung nakikita. And almost all the shades of it.

Nasanay na akong sabay kaming kumain lagi ni Vanessa. Kahit pa sa mga luto niya.

Nasanay na akong naghihintay ng turn ko sa paggamit ng banyo lalo na kapag umaga.

At siyempre, nasanay na akong mukha niya ang unang nakikita pagdilat ng mga mata at huli bago matulog.

"Want me to help you with your things?" aniya matapos ang sandaling katahimikan.

I grinned. 'Yung isang maleta lang naman ang dinala ko doon sa unit niya. Pero tumango pa rin ako. Don't want to disappoint her. "Sure. Lets do that later."

*

"Ganito pala 'yung itsura nung unit ni Kuya Slade," dinig kong sabi ni Vanessa mula doon sa bukas na pinto ng kwarto.

She was in the living area while I was in the bedroom. Isa-isa kong inaalis iyong mga gamit ko doon sa maleta.

Soon, I heard her footsteps following me to the bedroom.

"Black duvet," she said behind me. "Mahilig si Kuya Slade sa color black 'ano? Even before I always saw him wearing black."

Tumigil ako sa ginagawa para lingunin siya. Ang mga mata niya na ngayon ay naroon sa painting sa pader.

Then I tried to tease her. "Why do you know what Slade usually wore before? Isa ka rin ba sa attracted sa bad boy charm n'un?"

Tumingin siya sa akin. "Hindi ah! Si Jena, yung best friend ko, siya 'yung sobrang patay na patay kay Kuya Slade dati. Kaya nga laging gusto n'un nasa bahay nakatambay kapag nandoon din kayo eh."

I nodded at that information. Akala ko wala nang sasabihin pa si Vanessa dahil iniwas niya na ulit iyong tingin. Pero maya-maya'y idinagdag niya sa mahinang boses, "Saka isa lang naman 'yung naging crush ko dati eh."

Best for Us (GU #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon