23 -

2.3K 55 1
                                    

----------------------

Sana walang mangyaring masama kay Laila. Dalangin ni Maricor habang nakasakay sa kotseng minamaneho ni Jhael. Kasama niya ng mga oras na iyon ang kambal. Magdadalawang oras na yata simula nang makaalis sila sa Baguio. Napatingin siya kay Jhael na noo'y katabi niya lamang. wala siyang mabasang kahit na anong emosyon mula dito. Seryoso lang ang anyo nito. Pagkuwan ay bumaling siya kay Ajhel na nasa backseat. Kanina niya pa nahahalata ang galit sa mukha nito. Tiim-bagang nakatingin lang ito sa may bintana.

Sa kalangitan naman ay tila naghahabulan ang kidlat at kulog. Halata ang malakas na hangin sa paligid dahil sa bilis ng paggalaw ng mga sanga sa puno. Sa mahabang biyahe ay katahimikan lamang ang namagitan sa kanila. Sa pagod niya ay sandali siyang nakaidlip at nang magising ay sakto namataan niya ang karatulang nagsasaad ng 'This way to Sitio Ayunta'.

Bigla siyang nakaramdam ng takot at may kung anong kilabot ang naglalaro sa kanyang isip. Hindi niya alam kung gaano katagal ang ginugol nilang oras marating lang ang lugar na iyon. Sinong mag-aakalang babalik siya sa lugar na ito. Ang lugar na masasabi niyang bangungot ng kahapon.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa paligid ay ang ilaw na nagmumula sa kotse. Ang takbo ng sasakyan ay pagewang-gewang siguro dahil sa nabasa ang lupang dati nang lubak-lubak. Kapwa natigilan na lang ang tatlo nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa likuran ng kotse.

"Tol, tignan mo nga kung ano 'yon," utos ni Jhael sa kakambal. Agad naman itong tumalima na tila hindi alintana ang malakas na ulan. Pagkalabas ni Ajhel sa sasakyan ay napansin agad nito ang kakaibang bulto na nasa ibabaw ng kotse. Isang taong paniki! Laking gulat na lang niya nang biglang maglundagan pababa sa puno ang iba pang taong paniki. Mabilis na nagsuguran ang mga ito papunta sa kanyang direksyon. Hindi kaagad siya nakapaghanda kaya paglapit ng mga ito ay halos tumilapon siya palayo. Sa lakas ng mga kamao ng mga taong paniki na iyon ay halos hirap siyang makatayo sa sakit. Kung nakapag-palit lang kaagad siya ng anyo bilang isa ring taong paniki ay baka hindi niya indain ang bagay na iyon.

Nang makita niyang papalapit muli ang mga kalaban sa kanyang kinaroroonan ay sing bilis ng hangin nang magawa niyang magpalit ng anyo. Sa puntong iyon ay nakita niyang lumabas na ng sasakyan ang kanyang kakambal. Lumipad siya sa ere upang kuhain ang atensyon ng mga kalaban. Noon din ay nagpalit na ng anyo si Jhael.

Nang akmang sasakmalin si Ajhel ng isang taong paniki ay nahawakan niya ang pulso nito. Inumpog niya iyon sa puno at ang isang kamay naman nito'y inikot niya. Pagkuwan ay pinag-uuntog niya din ang ulo nito doon din sa puno. Nang maramdaman ni Ajhel na may mga kalabang papalapit sa kanya ay humarap siya at sakto nasipa niya ang mga ito. Tila hindi tinatablan ang mga iyon kaya naisip niyang bumaba sa lupa at kumuha ng malaking bato. Parang umihip lang ang hangin ay kaharap na niya ang tatlo sa kalaban. Pinaghahampas niya ang mga ito ng malaking bato. Hindi niya tinigilan ang mga iyon hangga't hindi tumataob. Sa huli ay tila nakaramdam din ang mga ito ng sakit. Bahagyang kumilos ang mga taong paniki palayo. Ngunit makalipas lang ang ilang sandali ay parang wala lang nangyari. Nabigla na lang siya ng agaran siyang sinugod ng tatlo nang bumalik sa kanyang paningin. Parang kasing bangis ng hayop ng pagkakalmutin siya ng mga ito.

Hindi siya makapalag dahil animo'y taglay din ng mga ito ang bilis niya. Habang kinakalmot siya ng mga kalaban at paatras lamang siya ng paatras. Bago pa man siya matumba ay natulungan na siya ng kakambal na si Jhael. Hawak ni Jhael ang may kalakihang puno at iyon ang ginamit nito upang ipanghampas sa mga kalabang umaatake kay Ajhel.

"Hindi ko inaasahang malalakas ang mga ito.. Sanay sila sa pakikipaglaban." ani Jhael

Isa sa mahirap na bagay sa mundo ng mga taong paniki ay ang pakikipaglaban sa isa't-isa dahil alam niyo ang bawat katangian o kakayahahan at maging ang kahinaan. Siguro, sa lakas at bilis na lang magkakatalo. Kailangan alisto ang utak mo sa gagawing pag-atake upang makalamang.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon