#OneNightStand (48-51)

4.5K 94 0
                                    

"ONE NIGHT STAND" (48-51)

PAGE 48

Ang daming chickababesss ngayon sa bar ah… , pero bakit parang wala ako sa mood tumikim na masarap na putahe ngayon? Hmmm siguro pagod and lasing lang ako mukang hindi ko na kaya mang drive eh mapahiya lang ako sa babae. Maka uwe na nga!

Luuuh himala hindi ako hinintay ng babaeng to? Hmmmp!!! Kainis !!!

Tapos hindi pa inayos hihigaan ko EDI WOW! Hilong hilo na ako! Di ko na kaya

Kinabukasan nagulat nalang ako ng tinatanggal ni jesse ung braso at kamay ko saa pagkaka-yakap sakanya kasi babangon na sya. Sa sobrang hiya ko bumalik ako sa tulog at nag tulog tulugan ulit. *******t

Mamaya pa ay bumalik si jesse sa kwarto at ginigising ako , pero dahil nga nahihiya ako kunwari hindi ko sya naririnig , kunwari tulog na tulog ako. Kahit pa sinabi nyang favorite ko yung hinanda nya na Gardenia bread na super daming boiled egg na dinurog with slice grilled chicken plus honey mustard , tomato , pickles  and Lettuce woooaaaaaah ! F*ck shet nung narinig ko yun gusto ko na bumangon agad kaso nahihiya ako sakanya.

Kainis!!! Bakit mukang alam na nya lahat ng favorite good ko??? Grrr!!! Malamang sa alamang si mommy ang salarin nito!!! Kasi last time na kumain kami ng dinner kila mommy eh mas maaga at nauna sakin sila jesse and mga kkatulong sa bahay namin eh kaya malamang nakapag kwentuhan sila ng kung ano-ano hay… si mommy talaga napaka dakdakina.

Jusko…ano ba to? Parang gusto ko na bumangon parang bigla akong nagutom feeling ko naglalaway na ako sa unan huhuhu

Sa pangatlong pagkakataon ginigising ulit ako ni jesse pero ayun bingibingihan ulit ako , sabay sabi ni jesse na “ oooh pinasok ko na yung favorite mo ah kain ka nalang kapag gising kana. Aalis muna pala kami nila bebang and ekang samahan ko lang sila mag grocery hmmm…  mag message ka nalang kung may ipapasabay ka aaah? I-lock nalang namin ang pinto. Geh alis na kami.”

PAGE 49

Nung narinig kong nakalabas na sila ng gate bumangon agad ako at kumain HAHAHA halos nakalati ko na yung Gardenia bread nang mapansin kong may sticky notes pala sa plate na…
“Happy Morning Dadeeey ! please smile para masaya din muka ko pag labas ko hindi yung beastmode itsura ko ,sayo pa naman ako pinaglilihi ni mameeey - Baebyyy”

Ng mabasa ko yun may ibang kilig akong naramdaman na ‘di ko mawari kung bakit naku… naku… naku… wag nga akong feeler! Hindi pa naman sure kung saakin nga ang batang yun.

Makaligo na nga at least okay lang kahit mag tagal ako sa banyo dahil walang susunod woaaaaah! Saya!

After maligo ay napapaisip nanaman ako….

Haaaay jusko isang araw nalang tapos na buhay binata ko diyosko! Nakaka-kaba! Hay naku ayoko na nga stress’sin sarili ko makapag movie marathon nalang kesa mabuang ako dito sa bahay! I-text ko kaya si jesse?  Pabili kaya ako popcorn and fries ? Para naman may makukotkot ako while watching , kaso wag na very pabebe naman yata pag ganun parang ang peg eh humihingi pa ako ng pasalubong sakanya. No way!!! Bakit ba kasi hindi ko kinuha mga number ng katulong? Para sana sakanila ako magtetext para sa ipapabili ko haaay ! Badtrip!

After an hour ay dumating nadin sila

JESSE : Oooh martin gising kana pala. Kumain kana ba?

AKO : ………………………………………

JESSE : Ayyy wow! Maganda yang pinapanood mo aaah sakto may mga junkfood and  softdrinks kaming binili.

AKO : ………………………………………

JESSE : Ekang pagkalapag ng mga pinamili nadin ipag bukas mo si sir martin mo chichirya and softdrinks. Tutulungan ko muna si bebang na i-ayos sa cabinet mga pinamili natin.

EKANG : Yes po mam.

PAGE 50

EKANG : Excuse me sir snacks po (smile)

AKO : Pakilagay nalang dyan.

EKANG : Okay po sir.

AKO : Konting bilis naman nanonood kasi ako ang lapad mo.

EKANG : Ayy pasensya na ho sir.

AKO : K

Naka 3 movie din ata ako ng makaramdam ako ng antok … nakatulog ako ng maalimpungatan ako dahil nilagyan ako ni jesse ng unan , inangat nya ang ulo ko at sa gulat ko ay naitulak ko sya ng bahagya haaaay buti nalang at hindi ko nalakasan kundi tumba yun.

JESSE : Ooops sorry martin aaah naistorbo kita ,baka kasi mangalay ka eh.

AKO : Ano bang pakielam mo? Ayan tuloy natulak kita!!!

JESSE : Okay lang hindi naman malakas eh. Oh sya tulog kana ulit gisingin nalang kita kapag naka luto na ako ng dinner.

AKO : Bakit ikaw nanaman??? Anong silbi ng mga katulong? Watcher mo while cooking? Aba matindi! Sayang lang pinapasahod sa kanila ni mommy.

JESSE : Hindi naman sa ganon martin maglalaba pa kasi si ekang and si bebang naman ay namamalantya kaya tinulingan ko na. Ako naman ang nag sabing wag na sila mag alala sa food dahil ako na magluluto. Nakakahiya narin naman kasi

AKO : Wala akong pakielam okay? Dapat flexible sila and dapat multitasking ! Ano ba naman yan!

JESSE : Hayaan mo na. Okay lang naman sakin eh.

AKO : What ever!!! Dun kana nga!

JESSE : Okay pasensya na.

PAGE 51

Monday na wooooooooaaaaaah 1st day hight jusko! Feeling ko parang sa school lang ako papasok hahaha ganoon yung kaba f*ck sheeet.

JESSE : Martin bangon na…..

AKO : OO gising na kanina pa

JESSE : Nice! Ooh sya halika na at naka ready na ang breakfast mo.

AKO : Sige sunod ako.

Pag upo ko ay napansin kong may nakadikit na sticky note sa tasa ng coffee ko “ Goodluck dadeeey look ooh nakasuntok kamay ko sa tummy ni mameeey chinicheer kita”

Hindi ko mapigilan na matawa sa ka-cornyhan 😂😂😂 kaya napatingin silang lahat hahaha at nahuli ko si jesse na napa smile kaya naman para di awkward ay nag sungit ako.

AKO : Problema nyo? Bakiy kayo nakatingin sakin ? May muta pa ba ako?

JESSE : Wala naman martin nagulat lang kami.

BEBANG & EKANG ……………………………..

JESSE : Anyway martin naka ready na pala yung baon mo for lunch and miryenda.

AKO : Are you kidding me? Baon ? ano ako bata? Ano sa school lang ang peg? You are crazy!!!

JESSE : Grabe ka naman! Edi wag mo dalin.

AKO : TALAGA!!!!!

JESSE : OKAY!!! Nga pala yung mga requirements mo nasa front seat na ng car mo para hindi mo makalimutan .

AKO : Good!!!

Umalis na ako pero hindi ko talaga dinala ang pabaon ni jesse.

Don't  Forget to LIKE , SHARE and TAG 5 friends thank you 😘

AUTHOR : Princess Dela Cruz Mariño , DJ China Bebe

#OneNightStandWhere stories live. Discover now