And Then I Saw You Again

1.3K 25 6
                                    

Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.

Copyright © 2014 by BlingGirl

All rights reserve. No part of this story may be used or reproduced in any manner and whatsoever without the author's permission.

A/N: This is just a short dabble inspired by my friend. Naisingit lang habang gumagawa ako ng sandamukal na assignments. XD

You were my  love. You were the only guy I see. You were the one who caused my heart leapt to my throat.

Notice the word 'were'. Yes 'were'. Because I forgot you the moment you got out of my life. Kahit minsan hindi ka naman talaga naging parte nito. It was all one sided. It was all to me. You just saw me as an acquaintance. Isang tao na darating lang at aalis din nang walang naging papel sa buhay mo. You barely look at me. You barely talk to me. So tell me, how could you make me fall? Ako ba ang abnormal at nagustuhan kita kahit sa mga limitadong pagkakataon lang na ibinahagi mo sa akin? Ako ba ang abnormal dahil hindi ko naiwasan yon?

Noong hinawakan mo ang kamay ko. "Wag na. Itago mo na yan," you said while smiling at me. Pinipigilan mo ako noong maglabas ako ng pera sa wallet para ibayad sa taxi na sinakyan natin. Nagkataon na tayong dalawa lang ang nahiwalay sa mga kaklase natin noong araw na yon sa pagsakay ng taxi. Ayaw kong bigyan ng kahit anong kahulugan yon. Alam kong isinaalang alang mo lang ang pagiging gentleman mo noon. Bakit? Kasi, ni hindi mo man lang ako kinausap habang nasa byahe tayo. Tayong dalawa lang ang nasa backseat pero hindi ka man lang tumingin sa akin kahit magkatabi na tayo sa loob ng taxi. Nakatutok ka lang sa cellphone mo. Ni hindi man lang ako sinusulyapan. 

Alam kong aksidented lang  ang pagkakahawak mo sa kamay ko.  Pero kahit na ganon, hindi ko iyon makakalimutan. Dahil ang araw na yon ang unang pagkakataon na nginitian mo ako. The first time you smiled trully at me. Palagi kasing tumatango ka lang sa akin bilang pagbati tuwing nagkakasalubong tayo.

Noong nagkatabi tayo sa bus dahil sa school trip natin. Nahuli akong dumating dahil hindi ako kaagad nakatulog sa excitment nang nakaraang gabi. Wala akong maupuan dahil okupado na ang lahat, maliban sa tabi mo—sa pinakalikod ng bus. Apat tayo doon. Tayong dalawa ang na sa gitna. Hindi mo alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko habang bumibyahe tayo. Nagkunwari ako noon na inaantok kahit na gising na gising ang buo kong sistema dahil malapit ka sa akin. Nagtulugtulugan ako para magkaroon ako ng dahilan para idikit ang ulo ko sa balikat mo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maituloy tuloy na ilapat ang ulo ko sa balikat mo. Palaging 'muntik' lang. Siguro, natatakot din ako sa magiging reaksyon mo.

Medyo nagulat ako nang umayos ka ng upo para mas tumaas ang balikat mo. Ang naisip ko noon, siguro, ginawa mo yon para mailapat ko na ng tuluyan ang ulo ko sa balikat mo. Pero alam kong, assumera lang ako. Ang sabi nila, ganon daw talaga ang mga babae. Madaling mag-assume sa mga bagay bagay. Walang malisya sa part niyong mga lalaki pero sa amin may deep meaning na kaagad. Sa huli, natabunan din ako ng hiya at hindi nagawang tuluyang sandalan ang balikat mo. Noong uwian na, hindi na tayo naging magkatabi. Katabi mo na 'non ang mga kabarkada mo. Doon ko naisip na sinayang ko ang pagkakataon. Baka sakaling may nag iba sa ating dalawa kung itinuloy ko ang pagsandal sa'yo.

Noong minsan na tinulungan mo ako para lumapit sa teacher head ng subject natin. Malapit ka sa mga teacher dahil isa ka sa mga officers. Hindi mo alam ang saya ko 'non nang alukin mo akong tulungan para lumapit sa teacher natin dahil nagkaroon ng problema ang isa kong subject. Habang naglalakad tayo non nang sabay sa hallway papunta sa office, napansin kong may ilan na sinusundan tayoc ng tingin. Nakikiliti ang puso ko habang iniisip ko na kahit sumagi lang nang kaunti sa isip ng mga tao na malapit tayo sa isa't isa. Hindi mo siguro napansin, pero mas lumapit pa ako non sa'yo para gatungan din siguro ang iniisip ng mga tao. You started small formal conversations. Siguro sa'yo, wala lang 'yon. Ginawa mo 'yon para lang hindi maging awkward ang sitwasyon. Pero sa akin, hindi mo alam kung gaanong saya ang nararamdaman ko sa mga pagkakataon na yon.

And Then I Saw You AgainWhere stories live. Discover now