Dear Little Lie

12 0 0
                                    

Tuwing sumasali si Katrina sa mga patimpalak ay palagi niyang kinakanta ang Cinderella ni Tata Young kasi sabi niya raw hindi niya kailangan ng lalaki para iligtas siya. Magaling siyang kumanta at sumayaw. Tinagurian siyang singing and dancing architect ng Department nila.

Masaya ang mga araw namin sa Kolehiyo kahit hindi kami magkapareho ng kurso ni Kat, palagi pa rin kaming magkasama. Hindi siya nagkaboyfriend kahit kailan kasi palagi niyang iniisip ang pamilya niya. Dahil sa maalindog siya marami ang nanligaw ngunit ni isa ay umayaw at ang iba ay hindi na nagtangka. Mayroon din naman na humingi ng tulong sa akin dahil sa magbestfriend kami kaso minsan na akong binalaan ni Kat na huwag na huwag ko raw siyang ireto kahit kanino o i-blind date dahil kung gagawin ko iyon ay mauupakan niya ako. Kaya hindi na rin ako nagtangka.

Lumipas ang mga taon at nakagraduate kami ng Koliheyo. Nagsulat ako sa school confession page namin sa facebook ilang buwan bago ang graduation.

Dear Little Lie,

I don't know where to start in this story. I fell for you but I can't tell anybody. You have given me that intense feeling I've never known of... a feeling that I felt to no body but you. My love for you is neither wrong or right. If I continue, people around me will get hurt. My family. Your family. Our friends. One special person to me and you that is one of the things stopping me from falling for you. But I can't, the feeling's too strong. It's driving me mad and helpless but I'm hopeful that time will come that my love for you will be accepted by everyone and by you.

You're the little lie I kept all these years. The reason why I'm single and alone. The reason why I'm happy. Someday, there will be no you and me but us and we.

I love you my little lie. The little secret I will keep until time comes that I will have the courage to say how much you mean to me even if it costs me everything. I'm willing to risk everything for you. To give you my all.

Love,

The Secret Lover

Nakahanap ng trabaho sa isang firm si Katrina sa Maynila at lumuwas din ako para ipagpatuloy ang pagkuha ng Law. Itinaguyod din niya ang pag-aaral ni Jake para makapag-law ito. Tumira kami sa apartment na binili ng tatay ko. Naging maayos ang lahat.

Naging close kami ni Jake kasi palagi siyang nagpapaturo sa akin at nagpapractice para sa mga exams namin. Minsan habang nasa cafeteria kami. "Third, bakit hindi mo nililigawan ang ate ko? Matagal na rin kayong magkaibigan diba?" tanong ni Jake sabay kagat ng sandwich niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi alam ko sa sarili ko na magkaibigan lang talaga kami at masaya ako sa kung ano mayroon kami. "Alam mo, Jake. Kainin mo na iyang sandwich mo".

Naging varsity player kami ni Jake sa basketball team ng school namin at kapag may oras si Katrina ay pinapanood niya kaming maglaro ni Jake. Napansin kong palaging tinitignan sya ni Andrew, 1 year ahead sa amin. Alam kong gusto niya si Katrina kasi palagi niyang tinatanong kung kumusta na ito.

"Jake, ireto mo naman ako sa ate mo", rinig kong sabi ni Andrew kay Jake. "Ewan ko, Pre. Masyado kasing pihikan ang ate ko at parang may gusto na siya e"

"Ganoon ba?" alam kong sincere si Andrew sa pagkakagusto niya kay Kat. Kaya naisip kong ipakilala siya pagkatapos ng laro.

"Nagustuhan mo ba ang laro, Kat?", binigay niya ang towel sa akin.

"Oo, kaso talo kayo", at tumawa siya.

"Etong si ate konti lang naman ang lamang nila e"

"Huwag ka ngang pabebe diyan"

Nakita ko si Andrew na kinakausap si Raul sa may bench at naisip ko ang plano ko. Tinawag ko si Andrew at lumingon siya sa kinaroroonan namin. Kumaway ako at pinapunta sa amin. Tumayo siya at nagpaalam ng sandali kay Raul.

Tumayo siya at parang namumula at nahihiya, kumakamot ng ulo. Tinitingnan lang siya ni Katrina. "Kat, si Andrew nga pala. Ang star player namin".

"Anong ginagawa mo?" bulong ni Jake sa akin. "Pinapakilala ko silang dalawa", bulong ko pabalik. Nakikita kong nalilito at nahihiya si Andrew. "Magkamayan na kayo". Pinunasan ni Andrew ang kamay niya na parang hindi niya alam kung dapat nga ba niyang kamayan ang malalambot na kamy ni Katrina o hindi. Kinamayan pabalik ni Katrina si Andrew. Ngumiti siya, "Nice to meet you, Andrew".

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Third?" Tiningnan ako ni Andrew.

"Short for James III", linaw ko kay Andrew.

"Pasensiya ka na basa ang kamay ko e", paumanhin ni Andrew kay Katrina.

"Okay lang iyon... May mababasa ng malamig na tubig dito mamaya". Matalim ang titig ni Katrina sa akin na nakataas ang isang kilay at napatingin din si Andrew sa akin. "Lagot ka", sabi ni Jake sa akin at napalunok na lang ako.

Umalis ako kasama si Jake at pumunta sa locker room. Nagshower at nagpalit.

Pumunta kami sa sasakyan at bago pumasok sa sasakyan ay binatukan ako ni Katrina. Nakita ito ni Andrew at kumaway lang ako. Sumenyas si Andrew ng phone signal kay Katrina at kumaway lang siya pabalik.

"Nirereto ka niya kay Andrew, ate", sambit ni Jake na nasa likod at nakababad sa cellphone niya.

"Pansin ko nga"

"Katrina, kailangan mo rin mainlove. Hindi ka pa nagkakaboyfriend since birth"

"Akala mo lang, Third. Minsan kasi ang buhay hindi parang fairytale na happily ever after nang akala mo na nakilala mo na ang prince charming mo. Atsaka mayroon na akong gusto"

"Talaga, Ate? Napakasecretive mo naman", binaba ni Jake ang kaniyang cellphone.

"Kakilala ba namin?"

"Sekreto. Kaya balewala rin naman kahit magboyfriend ako ngayon o bukas"

"Bakit Kat?"

"Kasi wala akong choice at may nagdesisyon na"

Nalito ako sa sinabi niya. "Hindi ko maintindihan, Kat"

"Sasabihin ko sa'yo sa bahay"

Nagkatinginan kami ni Jake. Parehong nagtataka.

Dumaan muna kami sa Supermarket at bumili ng pagkain para sa bahay. Pag-uwi ay nakalimutan ko na ang napag-usapan namin ni Katrina. Kumain kami ng dinner at natulog.

Confession of Love (to be revised)Where stories live. Discover now