02

3 0 0
                                    

January 2nd

Sabado. Wala akong magawa sa bahay kaya nag paalam ako kayla mama na aalis muna. Gusto kong mapag isip at mapag isa sa ngayon. Ayoko munang isipin ang nakita ko kahapon masyadong masakit at masyadong magulo. Natawa nalang ako sa sarili ko.

'Ang tanga ko naman masyado'

"Andenggggg!" lumingon ako sa likod at hindi ako nagkamali. Si paning nga at si drake. Psh, nagdadate na naman sila.

Kumaway ako sakanila at saka lumakad uli. Gusto ko talagang mapag isa ngayon. Kahit ngayon man lang. Ayokong mag isip nang kung ano ano ngayon, ni ayaw kong kumain ng paborito naming champorado ni alexis. Ewan ko ba.

Nang makarating ako sa playground malapit sa may plaza ay agad akong umupo. Wala masyadong tao kaya walang mga bata na naglalaro ngayon dito, ni wala masyadong nagtitinda ng fishball at kwek kwek.

*buzz*

'Siya kaya ang nagtext?' tanong ko na naman sa aking sarili. Dali dali kong kinuha ang aking phone at tiningnan kung si alexis nga ba ang nagtext.









Tama ako.










Umasa na naman ako. Bakit ka ba itetext nun? Samantalang alam mo naman na kapag sabado ay ayaw na ayaw niyang inaabala siya, sa kadahilanang 'siya' ang gusto niyang katext o kasama ngayong araw.

Si mama ang nagtext. Pinapauwi na ako, may lakad daw kasi sila ni papa at walang maiiwan sa lola ko.










'Umasa ka na naman ano? Bakit ba kasi patuloy ka pang umaasa sa taong alam mong hindi magkakagusto sa'yo? ' ani ko sa sarili ko.

Hanggang kailan kaya ako aasa sakanya?

All About JanuaryWhere stories live. Discover now