"Wade, huwag na kayo mag-aaway ni Darryll, atsaka huwag na kayong nagsasalita no'ng hindi ko maintindihan na salita." sabi ko.

"Sure my princess, Let's eat first." sabi niya at binigyan ako nang isang matamis na ngiti.

Ansama ng titig sa'kin lahat ng maids habang nakaupo ako sa dining table at sila ay nakatayo at pinagsisilbihan si Wade.

Napansin ni Wade na nakatingin ako sakanila, kaya agad niya itong tiningnan. "Gusto niyong dukutin ko mata niyo?" sabi ni Wade.

Hindi kalaunan ay bumaba na si Darryll upang makisalo na sa agahan, "Kain na." sabi ko at pinaupo siya sa harap ko.

Mukhang badtrip siya, sabagay mabilis naman talaga siya magalit. Nang matapos na kaming mag-agahan ay nagkwentuhan kami ni Wade habang naglalakad sa garden.

"So where's your parents?" sabi ni Wade.

"Patay na sila." sabi ko at mapait na ngumiti.

"Oh, I'm sorry." sabi niya at ngumiti sa'kin.

"My mother was the only person that I really felt the real love I've wanted to feel, palagi niya akong pinapasaya, pero sa kasamaang palad nag-kasakit siya sa breast, nagka-cancer siya at iyon ang ikinamatay niya. Sobrang nagunaw ang mundo ko nang namatay si Mama, si Papa naman ay pinapalo ako pero nagsosorry rin agad dahil minsan daw napapangunahan daw siya ng galit niya, Hindi ko nga alam kung Mommy's girl ba ako o Daddy's girl kasi parehas akong spoiled sakanila, At sa kasamaang palad nanaman, nagkaron si Papa ng lung cancer, at do'n siya unti-unting pumayat hanggang sa namatay na siya." umupo kami sa swing.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa'king pisngi at mapait na ngumiti, Namiss ko tuloy sila Mama at Papa, nasaktan ako ng sobra at wala akong makapitan.

"Nang mamatay sila, namuhay akong mag-isa, nakitira ako sa mga tiyahin ko pero minaltrato nila ako kaya umalis na lang ako at nag-aral mabuti, nakitira ako sa kaibigan ko hanggang sa high school na ako, Nagtatrabaho na ako at naisipan ko nalang bumukod kasi nakakahiya naman sa kaibigan kong iyon, Kaso I found out na hindi ko pala talaga siya kaibigan, ginagamit niya lang ang talino ko, maaga akong namulat sa realidad na mahirap ang buhay, kailangan mong magtrabaho para sa sarili mo dahil saan ka nalang pupulutin kung hindi ka mag-sisikap para sa sarili mo?" sabi ko at ngumiti.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now