Prologue

19.6K 260 1
                                    

PROLOGUE

"Laban! Laban! Bawi! Bawi!" sigaw ni Alllisa habang nasa harapan niya sina Jhovie at Stefanie na nagsasabunutan dahil sa isang lalaki. Her friends were lunatic. Nasa couch lang si Quennie, sumisipsip ng paborito nitong kape habang si Rica naman ay nagpapaulan ng pera habang nagkakagulo sina Jhovie at Stefanie. They were having fun and Allisa was having fun as well.

"Gaga! Make them stop!" sigaw ni Girlie. Umiling si Allisa at sinulyapan si Rica na ngising-ngisi lamang. She was also enjoying the scene. Everyone seems to be enjoying this except for Girlie.

"No! Hayaan mo iyang dalawa. Akala mo naman ang gwapo ng pinag-aawayan nila," Rica suggested as she cheered on them. "Sige, 100 kay Jhovie ako susugal!" dagdag pa nito.

Allisa saw Girlie rolled her eyes.

"They are fighting because of a guy?" untag ni Quennie kay Ally.

"Yes," she answered.

"Who?"

"Delfino Dela Cruz," Allisa stated. She was grinning from ear to ear. This is her friends, her best friends to be exact. Sila ang kasama niya palagi. They were now quite successful after they finished college. She took up Business Management and graduated with flying colors. Hindi iyon gusto ng mga magulang niya pero dahil likas na matigas ang ulo ni Allisa kaya walang nagawa ang mga magulang nito kung hindi hayaan nalang siya. They love her too much to even reject her decision.

Nanlaki ang mga mata ni Girlie. "W—what? Iyong paminta? I saw him with a man the last time. Sa isang bar pa 'nga."

"Yes," sagot ni Rica kay Girlie.

Natigilan ang lahat nang walang sabing nilapitan ni Girlie ang dalawang hindi pa rin natatapos sa pag-aaway. Si Girlie mismo ang umawat sa dalawa. Pinagbabatukan nito ang mga ito dahil sa kagagahan ng mga kaibigan. Allisa was just clapping her hands, cheering her friends. Nakita niyang inirapan siya ni Girlie.

"Mga bobo!" Girlie hissed at them. "Kung gusto niyo magpatayan sabihin ninyo sa akin at kukuha ako ng kutsilyo para magsaksakan kayong dalawa mga putangina ninyo!" walang prenong mura ni Girlie. Natahimik silang lahat dahil sa malutong na mura ni Girlie. They were not used to of hearing Girlie curse loudly. Masyadong mahinhin ito pero ito lang ang may stable boyfriend sa kanilang lahat.

"KJ ka talaga, Girlie," usal ni Allisa. Pinandilatan siya ng mga mata ni Girlie.

"No, no harassment while I am here please," saad ni Girlie. Allisa looked at Rica. She just shrugged her shoulders. Wala siyang nagawa kung hindi lapitan ang dalawa niyang kaibigan at isa-isang kinurot sa tagiliran.

"Mga boba ha! Hindi gwapo si Delfino kaya tumigil kayong dalawa sa pag-iinarte ninyo." Aniya. Napailing lang ang mga kaibigan niya dahil sa ginawa niya. Isa-isa niyang pinulot ang mga pera na pinaulan niya. Kailangan niyang kunin iyon dahil allowance niya iyon sa isang buwan. Kasalukuyan silang hindi nag-uusap ng kanyang Daddy dahil na rin sa gusto nito para sa kanya. Hindi pa siya makabwelo para makahingi ng pera.

Her father was too manipulative. Ayaw na ayaw niyang minamanipula ang buhay niya pero hobby na 'ata iyon ng kanyang ama. She wanted to live her life freely but she couldn't do that because her family was known in the upper class society. Ayaw niya nang ganoon pero hindi naman niya pwedeng itakwil ang pamilya niya dahil mahal niya ang mga ito. She loved them so much that she couldn't afford to leave them. She wanted to explore and she wanted to be herself. Ayaw niya na minamanipula siya pero...

She sighed. Wala siyang magawa. She's forever stuck to her family.

"What happened?" Quennie asked her. Binalingan niya ito.

She made face. "Sa tingin ko ikakasal na ako," she said calmly. "I heard my parents talk about it already but I am not ready, Quen." aniya. Naupo siya sa tabi ni Quennie. She was just reading a magazine while sipping her coffee.

"Hindi pa ikaw ang mauunang ikakasal," anang Quennie.

Nangunot ang nuo ni Ally. "Bakit mo naman nasabi?"

Nagkibit-balikat si Quennie. Hindi nito sinagot ang tanong niya. Quennie just remained silent. Alam niya naman niya na wala siyang mapapala sa kaibigan niya. Quennie was too quiet and reserve. Wala itong masyadong kaibigan sa kahit noong nag-aaral pa sila at ang nakakaintindi lang kay Quen ay silang magkakaibigan.

"Pero Quen, naalala mo ba si Rica noon na ayaw na ayaw niya si Paul pero they still ended up together. Ngayon, magkakasupling na sila."

"Because they married for love," anang Quennie. Napasulyap ito sa kanya. Ibinaba nito ang magazine na binabasa at pinakatitigan siya nang mariin.

"Si Cage din naman—"

Quennie rolled her eyes. "Don't talk to me about Cage," she hissed at her. "You need to marry because you love the person not because thats what your parents wants. Hindi sila ang sasama sa mapapangasawa mo kung hindi ikaw," punto ni Quennie.

Napatingin si Allisa kay Quennie. She sighed heavily. She held Quennie's hand and squeezed it.

"Mahal ka ni Cage."

Quennie raised her brow.

"Stop talking to me."

"Quennie naman—"

Her friend heaved a deep sigh and stood up. "Mahal ko rin siya. Are you happy now?"

Hindi na siya nakasagot dahil umalis na si Quennie sa harapan niya at iniwan siyang ngising-ngisi. Kahit gaano pa katigas ang puso ni Quennie ay natuto pa rin itong magmahal.

She wanted that kind of love. Iyong pareho sa mga kaibigan. She would trade anything just to experience that kind of feeling.

Take Me (La Alquera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon