Chapter 01: Who is new?

6 1 4
                                    


Aubrey's Pov

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at tumambad sa paningin ko ang puting kesame. Alam kong nasa hospital ako at bakit? Dahil sa mataas kong lagnat.

Ipinilig ko ang ulo ko sa kabila at nakita ko ang tita ko na nakatanaw sa bintana at doon ay makikita ang malawak na kapatagan. Sa tabi ko naman ay ang aking lola na kasalukuyang kausap ang aking ama sa kabilang linya gamit ang cellphone ni tita.

"Buti naman at gising ka na Aubrey!" masayang bati ng tita ko sakin ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanila.

Tumango lang ako bilang sagot. Lumingon sa gawi ko ang aking tita bago ngumiti at sinabi na dito na ako sa lungsod ng Queson mag-aaral. Alam ko na yan dahil naalala ko pa na dalawang araw na kami dito. Hindi ko tuloy maiwasan ang malungkot lalo na ng maalala ko ang aking mga kaibigan na naiwan ko sa dati naming lugar; ang Ilocos.

Napabuntong hininga ako. Magiging maayos kaya ang buhay ko dito sa Quezon?

"Sinabi pala ng doctor na makakauwi ka na mamaya at pwede ka na pumasok kinabukasan. Nga pala may mga bisita ka sa labas."

Bisita? Ang alam ko wala pa akong kakilala dito sa Quezon at lalong wala pa akong nakakasalamuhang ibang tao maliban nalang sa kapit-bahay namin.

"Bisita?"

"Alam kong nagtataka ka. Yes bisita. Mga soon to be classmates mo bukas."

Bumukas naman ang pintuan at mula doon ay pumasok ang tatlong estudyante na nakasuot pa ng uniforme na tulad sa mga korean ang pinagka-iba ngalang ay purong itim ito na walang kahit anong ibang kulay maliban sa polo shirt na nakapa-ilalim sa jacket polo nila na kulay puti. Isang lalake na matangkad at dalawang babae.

Nakatayo lang sila sa paanan ko at tila walang balak na magsalita ni isa sa kanila hanggang sa binasag na ng babaeng maliit ang katahimikan na namamagitan sa amin.

"Magandang hapon Aubrey Lawingco. Ako nga pala si Ajeydez Capute." pakilala niya kaya ngumiti naman ako.

"Ako naman si Joseph Kuhndakwal." pakilala nung matangkad na lalake.

"At ako si Eunice Daine Lacno. Ikinagagalak ka naming makilala."

Hindi ko alam pero feeling ko parang nakita ko na ang babaeng ito pero hindi ko lang matandaan. Lalo na ang pangalan niya na subrang pamilyar sakin.

"Uhmm...kilala ko ba kayo?" nagtataka kong tanong.

"Kami ang estudyante sa Gensan High kung saan ka papasok at nandito kami para ibigay sayo ang mga tinake notes at lahat ng mga napag-aralan namin since January ka na nagtransfer." medyo cold na sagot ni Eunice.

Lumapit naman sakin ang nagngangalang Ajeydez sabay bigay sakin ng bulaklak at notebook. Tumango naman ako at nagpasalamat.

"Dumeritso ka nalang kay Ms. Pulewente dahil siya ang mag aassist sayo papuntang classroom." ani Ajeydez na halatang masaya.

"At ito pala ang mga schedule mo at homeroom."

Napatingin naman ako kay Joseph ng may iabot siya sa aking papel kung saan doon nakasulat ang mga sched ko. Nagpasalamat naman ako sa kanila bago sila nagpaalam.

"Bagong buhay ka na dito Aubrey." sabi ni tita.

Siguro?

-

7:00 ng gabi ng maisipan kong lumabas sa kwarto ko para makapaghanap ng signal. Sinabi kasi ng doctor na mamayang 9:15 pa ako pwedeng lumabas kaya naisipan ko munang tawagan si papa sa Ilocos dahil namimiss ko na siya along with my mother. Pagkabukas ko ng pinto ay nagtaka ako ng makitang medyo madalim sa buong hallway at wala manlang katao-tao pero bigla kong naalala ang sinabi ni tita kanina na wala daw masyadong tao sa hospital dahil sa alam ng mga tao na pababayang hospital daw ito.

AnotherWhere stories live. Discover now