"By pushing me away?" Hinampas ni Khalil ang ibabaw ng mesa at napalundag si Nyx sa tunog. He was immediately sorry but he tried not to be. Masyadong mahapdi ang puso niya para sa ibang emosyon. "Sasabihin mo 'yan sa 'kin pagkatapos mong sabihing mahal mo ako? Kung mahal mo ako handa kang magtiwala sa 'kin! Handa kang sumandal sa 'kin at maniwalang hindi kita hahayaang madapa!"

"Hindi mo ako naiintindihan!"

"Hindi talaga!" He choked on the words so he stopped, took a deep breath and swallowed painfully. Lumapit siya at naupo sa tabi nito. Kinuha niya ang mga kamay nito. "Nyx, mahal na mahal kita. 'Yung nakita ko kagabi, yes, it broke my heart. Pero mas masakit sa 'kin 'yung maisip na pinagdaanan mo 'yun nang mag-isa n'ung wala pa ako." Huminga siya nang malalim ulit. Noon lang niya napansin na basa na pala sa luha ang mga pisngi niya.

Ito naman ang huminga nang malalim. "Normal na sa 'kin 'yung panic attacks. Sanay na ako d'un. It hurts the most when I'm having them pero pagkatapos n'un, okay na ako ulit. Kagabi, habang kasama ka, doble 'yung sakit dahil hindi ako maka-iyak kasi nand'un ka. Mas nahirapan ako." Umiling si Nyx. "I can't be with anyone right now, Khalil. Especially someone I love. Ayokong pahirapan tayong dalawa."

Mapait siyang tumawa. "Ano'ng pagkakaiba n'yan sa ginagawa mo ngayon?"

She shrugged. "Mas masakit kung patagalin ko pa. Mas madali kang makaka-recover kapag ngayon pa lang eh putulin na natin 'to."

Pinagmasdan niya si Nyx. Hindi iyon eh. Ang mas masakit sa kanya ay 'yung parang wala lang dito na dinukot nito ang puso niya saka iyon dinurog nang pinong-pino.

Pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila kagabi, umasa siyang naging mas matibay ang relasyon nila. Ngayon binabalewala lang nito lahat nang iyon.

Nagtiim-bagang siya bago pa siya may masabing hindi niya dapat sabihin. Galit siya at nasaktan, at hindi niya maintindihan at hindi niya matanggap kung bakit ginagawa ito ni Nyx. That doesn't give him the right to strike back. Neither of them deserved it.

"Nakalimutan mo na ba 'yung sinabi ko?" tahimik niyang tanong. Ayaw niyang marinig ni Nyx ang desperasyon sa boses niya. "Na ang gusto ko lang eh samahan ka habang inaayos mo 'yung sarili mo? 'Yun lang naman talaga ang gusto ko, Nyx."

"I can't," bulong din nito na namumula na ang ilong at mga mata. "It's not fair to the both of us."

Nilunok na lang niya ang sakit na nadarama. Kung hayaan niyang madama iyon, baka hindi na siya makakilos. Binitawan niya ang mga kamay nito saka siya tumayo. "Kumain ka na. Hintayin mo na lang ako. Magbibihis lang ako, ihahatid na kita sa ospital."

"You don't have to."

"Sinabi ko ihahatid kita kaya ihahatid kita. Kung ayaw mo na akong makausap pa ulit, saka na, pagkahatid ko sa 'yo."

Pagkatapos ay iniwan na niya ito.

PORMAL ang mukha niya nang magbukas siya ng pinto nang kumatok si Khalil mayamaya. Giniya siya nito sa elevator, pagkatapos ay sa kotse. Hindi kasi talaga niya makuhang gumamit ng tungkod. Hindi siya sanay. She knew she'd have to learn to use it eventually but it wasn't now.

Sandali lang naman ang drive papunta sa ospital. Hindi sila nag-usap ni Khalil. What else was there for them to say to each other? Hindi naman na kasi niya alam kung paano pa gagawing mas malinaw sa binata ang side niya.

She was unpredictable, her moods volatile. Mahirap siyang mahalin eh. Mahirap magmahal ng isang taong hindi buo.

Nang huminto ang sasakyan, inalis niya ang seatbelt niya pero hinawakan ni Khalil ang kamay niya.

"I need to talk to you."

Bumuntong-hininga siya. "Khalil."

"No. Ikaw na 'yung nagsalita kanina. Ako naman ngayon." Malamig ang boses nito and that added to her heaartache. Pero nanatili siyang naka-upo. What else was she to do? Get out of the car on her own?

25th Floor Balcony (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon