"Can You please shut Up?" sigaw ko sa aking bunsong kapatid kaya naman napatahimik ito..
"Angel kailan ko kaya kayo makikitang
magbati kahit isang araw lang" nakatungong sabi ni mama kaya napailing nalang ako
"Never mo kaming makikita na bati mama NE-VER Tsk" padabog akong lumabas ng bahay
alam kong masama akong bata ni hindi ko nga manlang pinakitaan ng kabaitan yung kapatid kong si john...Oo ampon lang yung bata na yun pero inis na inis parin ako sakanya dahil nakukuha nya lahat ng atensyon ni papa pag dumarating dito nakakainis .. Napag pasiyahan ko na tumambay sa kaibigan ko alam ko namang papayag yun eh
"Bess di kaba talaga naawa sa kapatid mo? gaga bata lang yun wag mong pakitaan ng sama mo ng ugali duh" nakangusong sabi sakin ng kaibigan ko
napairap nlng ako at di sya pinansin
~~ Mama Calling ~~
napatingin ako sa cellphone ko pero nong makita ko kung sino ang tumawag nawalan ako ng gana sagutin
nakailang beses rin tumatawag si mama pero di ko yun sinasagot eh sa ayaw ko syang kausap eh
" Uy gaga ka babae sagutin mo nga yan kawawa naman yung mama mo oh kanina pa tawag ng tawag Mga 10 beses na kung ayaw mong sagutin yan ako ang sasagot" Sinamaan ko sya ng tingin
"Kung gusto mo magpalit tayo ng magulang tsk" Napatingin ako sa relo ko at napagpasyahan kong umuwi dahil maghahapon na rin nakatagal din pala ako dun hayss
"Oh anak kumain kana oh kanina pa kita inaantay eh ni hindi mo manlang sinasagot yung tawag ko Hayss san kaba galing?pero sige alam ko namang busy ka kaya di ko nalang yun iisipin" Nakangiting bungad saakin ni mama ng makita nya ako nakakainis Ni hindi pa nga ako nakakapasok eh nagsasalita na sya ..ang sakit na ng ulo ko para pansinin pa sya kaya nagpatuloy nalng ako papunta sa aking kwarto
hinagis ko ang katawan ko , Ang sakit talaga ng ulo ko tapos bubungad pa sakin yung muka nya Nakakabadtrip
~ Tok Tok ~ ~ Tok Tok~ ~Tok Tok~
"Bukas yan kaya wag kanang katok ng katok pwede ba?!" hindi ko na pinansin kong sino ang pumasok at nagconcrate nalang sa Cellphone ko , napangiti naman ako ng malaman kong si Michael pala yin Bf ko
"a-ate p-pinatawag ka ni Mama M-may sasabihin d-daw syang s-sayong i-importante" Napatingin lang ako sakanya at inalis rin itong agad dahil nga katext ko si michael
"a-ate N-napaka i-importante d-daw Po"
"PWEDE BA UMALIS KA NA?! NARINIG KO ANG SINABI MO KAYA WAG MUNANG ULIT ULITIN LABAS AYOKO NG AMPON NA PUMAPASOK SA KWARTO KO !"
lumabas naman agad sya tsk Kala ko naman aarte pa
~~♥My Pancake♥~~
etong lalaki lang talaga na ito ang nakakapagtangal na istress ko
Legal kami parehas alam ng bawat family namin kung ano kami ngayon..
"Hi Pancake Ko ,Busy kaba?" Ang gandang bungad nakakilig shet
"hindi naman pancake ko bakit?" Nakangiti kong sagot
"Punta kang park m-may sasabihin ako" Kinakabahan ako anong sasabihin nya shettt
"Sige Wait moko dyan huh?"
malapit lang naman dito ang park kaya pwedeng lakarin kaya gorabels
<fast forward>
"Anong sasabihin mo pancake?" bungad ko kaagad sakanya "kinakabahan ako eh"
"pancake yung mama mo" ano daw? mama ko?
"Anong meron sa mama ko huh?"akala ko naman importante yun pala si mama lang tsk tsk tsk
"pancake kaya kita pinapunta dito kasi inutusan ako ng mama mo" Nakita ko ang lungkot sa mata nya kaya lalo akong kinakabahan
"Pwede Bang Deretsuhin muna yung sasabihin mo wag ka ng magpatense?!" Inis na sabi ko sakanya
"Si tita M-may S-sakit at S-sorry pero di ko a-alam kong maaabutan mo pa sya"
parang biglang gumuho yung mundo ko , Sana Di ko nalang narinig yun Di naman yun totoo eh
"pancake di magandang biro Yun eh hehehe Masamang magbiro Eh"nangiginig na ang boses ko ,pero lalo akong nanghina ng Umiiyak sya "SAGUTIN MOKO DI TOTOO YUN DIBA?!NILOLOKO MO LANG AKO!"
"sorry Sabi sakin ni tita na tawagan kita para hindi mo makita kung paano sya mawala sa mundo p-pero Di ko kayang hindi sabihin eh sorry" Parang bibigay yung tuhod ko sa narinig ko di ako naniniwala ayokong paniwalaan
"p-pero k-kausap ko - Ko pa S-sya K-kanina Eh"
tinalikuran ko sya at Mabilis na tumakbo Kailangan ko pa syang abutan kailangan ko pa maghingi ng tawad eh , Sana Maabutan Ko pa sya parang awa nyo na
Pagkabukas ko ng pinto ay Lalong nanghina ang tuhod ko at kusa nang napaluhod
Nakatingin lahat sila sakin , planado na ba talaga to? ako nalang ba talaga walng alam sa balak ni mama?
Lalo akong napahagulgol nong makita ko si john na umiiyak na lumapit saakin
"a-ate" Pilit naman akong ngumiti sakanya "W-wala na si mama ate" Bigla syang umiyak at yinakap ako kaya yinakap ko sya pabalik
"A-anong nangyari?" bulong ko sakanya habang hinihimas ang kanyang likod
"may sakit na sya ate matagal na , ayaw lang nyang ipaalam sayo kasi baka maawa ka raw sakanya ayaw nyang may naawa sakanya ate" lalo akong napahagulgol nong marinig ko sang sabi ng kapatid ko
Ang laki kong tanga ni hindi ko manlang Sya Nayakap nong buhay pa sya Ang laki kong tanga..sana ako nalang yung nagkasakit eh ako nalang sana yung namatay
"ate may Iniwang sulat pa-para sayo si mama"
"pa-para sa-saan To?"
"di daw kasi sya makapag Pa-paalam ng personal sa-sayo ate"
" Dear : Angel
baby Girl alam kong malaki ang kasalanan ko sayo kasi si john nalang ang akala mong lagi naming napapansin , anak mahal ka namin Parehas kayo kahit pa naampon si john kapatid mo parin sya ok?Anak alam kong marami nakong kasalanan sayo sana mapatawad mo pa ako ... Baby nman eh naiinis ako sayo bat di mo manlang ako shinarean ng problema mo?Andito lang ako sayo mama moko kausapin muna man ako bilang mama hindi bilang kaaway ... mama mo ko andito lang ako pag may problema ka , andito lang ako pag kailangan mo ..alam mo ba nong bata ka pag aalis ako gustong gusto mo sumama , samantalang ngayon pinipilit kita isama ayaw mo kasi mas gusto mo kasama mga kaibigan mo dahil ba sa di ko kayang makisabay sa trip mo?Kaya ayaw muna ko ngayon kasama? dati ako yung nagpapaligo sayo samantalang ngayon kahit pag hawak sa ulo mo di ko na magawa ..anak Sana naman magbati na kayo ni john kayo na nga lang alala Ko sana Magbati na kayo at Maging masaya ka yun na yung last wish ko angel ... I love You baby Girl
From : Your mommy =)"
This is the time when i want to go back in time , Sana Di ko nalng yun ginawa , sana Ginawa ko nalang lahat ng nakakabuti nong buhay kapa , Sana Inayos ko pag aaral ko para sayo , Sana nayakap kita , sana naalagaan kita kahit saglit
pero sana nalang yun kasi di ko na ulit maibabalik ang buhay mo...
Di ko alam kong matutupad ko ang huli mong wish na maging masaya ako Im so sorry mama..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N;
pagpasensahan nyo na kung panget hehehe first time ko lang gumawa eh..
YOU ARE READING
My Mother last Wish (one shot)
Non-FictionSana Malaman natin na hanggat andyan ang taong mahalaga satin pahalagahan natin ito habang nabubuhay pa.....
