Chapter 1: The Burden

8 0 0
                                        

"Kneel down and accept your fate young man! " my father said.

Palagi na lang ganito ang scenario namin sa bahay tuwing pinipilit ako ni Dad na pumalit sa pwesto niya as an assassin's holder. Palagi niya akong pinapaluhod sa bubog ng mga basag na salamin. Oo, sobrang sakit pero wala akong magawa eh. Ama ko ang humahawak sa mga magagaling na assassin throughout the world. Alangan naman na mag expect ako na pagsasabihan niya lang ako na para bang isang simple na pamilya lang na sa tuwing nagkakamali ang anak dinadaan lang sa mabuting usapan. Anyway, I am Alvoux Zachbell, isang college student na kasalukuyang kinukuha ang kurso na mechanical engineer sa Vendetta University, isang simpleng university

"No, Dad. I want a simple life. Hindi yung buhay ng isang mamamatay tao. I believe that life must be treasured and God, Himself has the right to take once life. As for us, na di hamak na tao lang din. We don't have the right to take what's not ours" I said with full of emotion.

"Walang hiya kang bata ka, kailan ka pa natutong sumagot sagot sakin ng ganyan?!" Sita na aking ama

Habang nilalatigo niya ako sa mag kabilang pisngi.

"Sht! Ang sakit" sabi ko saking sarili.

Akala ko tapos na siya pero nagkakamali ako. Kinuha niya yung baseball bat at hinampas niya sa kamay ko.

"(Crickkk) Arrrgghhh. Tang***" sabi ko.

Ang sakit ng pagkaka palo niya. To the point na nabali ang isa kong kamay.

"Dalhin niyo yan sa asylum at ikulong. Huwag na huwag niyong papakainin hanggat di tumitino yan" sabi ng aking ama.

At this time di na kinaya ng katawan ko dahil sa sobrang dami ng nabawas na dugo, mga masasakit na pasa at pagka bali ng buto. Nawalan na akong ng malay.

……………………………………………

Nagising ako dahil sa maliit na ilaw na tumama saking mata na galing sa sikat ng araw. Grabing pagka uhaw ang aking naramdaman. Medyo masakit parin ang buo kong katawan dahil sa nangyari kagabi.

"Pakawalan niyo ako dito! Nagugutom na ako't nauuhaw! Kahit isang baso ng tubig lang! Pahingi naman oh" sigaw ko.

Nagbabasakaling may makarinig sa boses ko. May narinig akong yabag ng paa na papalapit sakin. Isang lalaki na naka uniporme ng pang sundalo. Ang naiiba lang eh,  kulay itim lahat.

"Mr. Zachbell, Mahigpit na binilin sa amin ng iyong ama na hindi ka papakainin hanggat di ka tumitino" saad niya

"Eh, putcha naman oh. Ang sabi lang naman eh bawal kumain. Di naman pinagbawal ang pag inom ng tubig. Sige na, parang awa mo na. Nauuhaw na talaga ako. Kahit isang baso lang" sabi ko sa kanya.

"Ah. Eh. Sige po. Masusunod po" nagugulohan niyang sinabi.

Umalis na siya. Nag isip naman ako ng paraan para makatakas.

"Ito na po yung tubig niyo" sabi nung lalaki kanina.

Nakabalik na siya at may dalang tubig nang mapansin kong may mga susi na naka sabit sa pantalon niya. Nakaisip agad ako ng paraan para maka takas.

"Kuya, nasira ata yung kama ko kanina. Di naman pweding matutulog ako na sira yung kama ko. Pwede paki tingnan naman oh" sabi ko.

"Sige" saad niya

Binuksan niya na yung pintoan gamit ang susi na nasa pantalon niya. Nang makakuha ako ng tyiempo. Sinipa ko kaagad siya at sinuntok sa sikmura at panga na siya namang nakatulong sakin para mapatulog ang lalaki. Dali dali kong binuksan ang pintoan at ni lock pagkatapos para di na makatakas yung lakaki. Nang makalabas ako sa asylum. Hinanap ko kaagod ang kwarto ko at kinuha ang fibro gel, isang uri ng enhance fibrinogen na kung saan kapag pinahid mo sa sugat mo ay gagaling ito agad, isa itong producto ng aming pamilya. Tumakbo ako agad sa labas ng aming bahay at sumakay ng taxi papuntang apartment ko. Oo, sa loob ng bahay namin yung asylum.

Pagkarating ko ng apartment nag bihis ako kaagad at natulog na.

Mabilis lang akong nakatulog dahil na rin sa sobrang pagod.

Author's note:

1st time ko pong magsulat ng story. Kaya po. Pasensiya sa mga typhos. Makakatulong po ang feedbacks niyo. Thank you. 😊

Kapag nagka 10 na readers to. Mag uupdate ako agad hahaha

The Propecy's GameStories to obsess over. Discover now