Chapter Eighteen

En başından başla
                                    

Beeeppp!!!

Isang mahabang busina ang narinig ko kaya nagmadali akong lumabas ng bahay. Nakita ko yung jsang Mercedez Bench ni Lac. Siya na kaya to? Bumukas din yung bintana nito.

Ang gwapo talaga niya. Yung messy hair, thick eyebrows, Matangos na ilong and reddish lips nito! Ugh! Ang sherep mo hihi.

"Hurry! NagHihintay sila Mommy!" Hiyaw nung gwapong nasa kotse.

Nagising ako sa imahinasyon ko atsaka nagmadaling pumasok sa kwarto para patayin yung aircon. Ops! Nakalimutan ko mag perfume.

Linock ko na din yung pintuan ng bahay atsaka sinara yung fate. Sumakay agad ako sa tabi ng driver Seat. Woah! Napagod ako don ah.

Tinutok ko yung aircon ng lotse saakin Ahh! Ang sarap. Ba? Ba't hindi pa umaandar yung sasakyan. Tumingin ako kay Lac na seryosong nakaTingin saakin.

"Ano? Aalis ba tayo o titignan mo na lang ako?" Nagtaas ako ng isang kilay sakanya. Pinagmadali niya'ko tapos siya tong mabagal. Ginagago ata ako nito e -_-

Tinignan ulit ako nito mula ulo hanggang paa
"You looks so fuckin' gorgeous Alex!" Sabay tingin sa dibdib ko.

"Bilis na!" Tinapik ko siya sa balikat atsaka ko tinakpan yung dibdib ko.

"I love your dress." Aniya habang nagdaDrive.

"Bakla ka? Edi ikaw na magSuot." Gusto mo pala edi sana nag ganito ka din. -_-

"Ts!" Sabay nag smirk siya ng konti.

"Hmm, Seryoso ka?papakilala mo'ko sa parents mo?" Hindi talaga ako mapakali.

"Yeah." Maiksing sagot nito habang seryoso siyang nakaTingin sa dina-daanan namin. Madami na din mga bahay atsaka tao ang dina-daanan namin. Siguro ito na yung dulong Bayan ng Lacquer .

"Di ba hindi naman totoo yung rel—"

"We're here! Alex ready yourself." Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi nasa bahay na kami ng Lolo niya. Pumasok kami sa napaka laking gate.

NagPark kami sa side ng malaking bahay or should I call it Mansion? Madamo yung lupa dito. Huminga ako ngalalim bago lumabas ng sasakyan nito.

Hinawakan ni Lac yung lamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng mansion.

Pagpasok namin ay malaking sala ang tumambad saamin. NagTurn right kami at nandoon naman ang kusina or hapag kainan nila.

Mas lalo akong kinabahan ng makita ko yung mga taong nakaUpo sa mahabang lamesa
Ang BYRD FAMILY. Nasa amin ni Lac ang buong atensyon nila kaya mas lalong hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Lac.

"Hello Apo." Yinakap siya ng matandang lalaki. Malaki ang tiyan nito at medyo maputi din. May tungkod ito na gawa sa kahoy. Siguro nasa 60+ na siya. Matanda na rin ang itsura nito.

"Lo, si Alex my girlfriend." Inakbayan ni Lac ang matandang lalaki at pinakilala ako bilang girlfriend niya.

Ahh! Ito pala yung Lolo niya "Hello po." Sabay nagmano ako.

"Halika hija." Hinawakan ako nito sa kamay at dinala sa gawing gitna ng long table. Nagtatakang tinignan ko si Lac pero nginitian lang ako nito at sumunod saamin.

"Excuse me everyone. Can I have your attention?" Ma-awtoridad na wika ng matanda. "I may introduce to you. The beautiful girlfriend of Lac!" Hiyaw ng Lolo ni Lac sa gitna ng pamilya nila.

NakaNgiti silang lahat saakin. PinapaRamdam talaga nila na welcome ako sa pamilya nila.
Nakakahiya! Shete! Ang init na ng mukha ko huhu and I know namumula na niyan ang mga pisngi ko sa hiya. Lumapit na saamin si Lac atsaka hinawakan ang kamay ko.

May babaeng tumayo sa pagkakaUpo at lumapit saamin ni Lac. Yinakap agad ako nito nung makaLapit siya saakin kay nagulat ako.

Naluha bigla ako. Namiss ko si Mama. Namiss ko yung yakap niya. Ang yakap ng isang Ina. Agad ko pinunasan ang mata ko ng humiwalay siya sa pagkakayakap.

"You're so beautiful hija." Hinaplos pa nung babae ang mukha ko. Kung hindi ako nagkakamali siya yung babaeng nasa picture frame ni Lac. Nasa 40+ siguro ang age niya. Mukha pa naman siyang bata and wow grabe! Hanggang ngayon ang sexy ng katawan nito tapos ang ganda pa rin niya kahit may edad na.

"Thankyou po." Ngumiti ako ng matamis sa babae.

"Alex my Mom, Mom my girlfriend Alex." Pagpapakilala ni Lac.

"Bless po." Nagbless ako sa lalaking lumapit saamin. Ang matiponong katawan nito at gwapong mukha na pinagmanahan ni Lac.

"Godbless hija, Welcome sa pamilya namin." Nakipagshake hands pa ito saakin at ngumiti ng matamis.

Isa-isa akong nagbless sa mga Tita at Tito ni Lac na nakaupo sa long table. Nakita ko din si Aki kaya kinawayan ko siya.

Umupo na kami ni Lac para kumain. Masarap sila kasabay kumain kase nagtatawanan sila habang kumakain.

"Tita, sila Miguel nasaan po?" Magalang na tanong ni Lac sa Tita niya.

"Nasa likod hijo, Kasama yung mga pinsan mo." Sagot ng tita niya.

"Tara sa labas." Hinitak ako ni Lac palabas ng mansyon. Nasa mukha nito ang saya at excitement habang palabas kami ng mansyon.

"Pero...." Nakakahiya naman kung aalis agad kami. Hindi ko pa nga nakaUsap yung parents nkya or mga Tito/Tita niya baka ano na lang isipin nila.

"Papakilala kita sa mga pinsan ko." Paglabas namin naglakad pa kami ng kaonti at may mga tao akong naaaninag. Nakaupo sila sa malaking papag.

May dalawang lalaki at dalawang babae akong naaaninag kung hindi ako nagkakamali.

"Miguel!" Hiyaw ni Lac. Hanggang sa makalapit kami sa kanila.

"Akala ko hindi ka na dadating e." Sagot ng isang lalaki. Payat na mataas ito.

"Pinapakilala ko nga pala sainyo ang girlfriend ko." Inakbayan ako nito sa harap nila kaya naramdaman kong umiinit nanaman ang mukha ko sa hiya.

"Hi." Kumaway ako sa kanilang lahat.

"Miguel." Ngumiti ito saakin. Maputi siya na medyo malaki din katawan, hindi siya mataba pero hindi rin siya payat.

"Joe." Ngumiti din ito sakin. Isa isa silang nagpapakilala saakin.Ah Joe pala pangalan ng mapayat nato.

"Hi I'm Celia." Ngumiti at kinawayan naman ako nito. Sexy, Maputi, Flat chested pero infairness yosa siya katulad ko.

And last "I'm Ina." Mukhang mabait yung isang to, Inosente ang mukha niya at ang cute din nito.

"Nice to meet you all." Sagot ko sa kanilang lima. Umupo na kami ni Lac katabi sila.

"Anong ganap nyan?" Sabat ni Celia.

"Kunin ko lang yung pagkain" Umalis si Joe at pumasok siya sa mansyon.

Nasa left side ko si Lac at si Miguel naman ang nasa right side ko. NakakaHiya, hindi ko alam paano ko sila makakasundo.

****

Pinakasarap na pakiramdam sa isang relasyon amg pagiging legal kayo sa pamilya ng isa't-isa.
-Alex

Sold By Mr.ManiacHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin