Pasimuno.

9 0 1
                                        

Ako nga pala si Nick Retsford
Pinaka ayaw ko gawin ang pumasok sa skwela, Cutting dito cutting doon, Basta ayaw ko talaga.

Isa o dalawang beses sa isang linggo ako napasok sa paaralan, ang saya diba?

Ako ang pasimuno sa mga cutting classes, sa mga plano na "Oi pre bukas ah walang papasok" at ang mga tanga naman ay nasunod kaya ang magulong buhay ng isa eh nakadamay pa.

Lumipas pa ang ilang taon, abay himala at ang pasimuno ng cutting classes ay naka GRADUATE! Nag-paalam na ang mga kasabwat ko sa pag-cucuting class, syempre  magkakahiwa-hiwalay na kami.

Grade 7 ako first day, nawala na sa paningin ko ang mga kaklase dati, mga panibagong mukha ang aking nakikita.

Nagsimula na ang klase.
"OKAY CLASS!  my name is Ma'am. Elizabeth Talamo" pakilala samin ng teacher namin.

At syempre first day of school alam na ang tradisyon ang "SELF INTRODUCTION!" kaya naman nung ako na ang kasunod nag-paalam ako na mag C-CR.

"Ma'am!" Pa sigaw kong sinabi.
"Yes! Mister?"sabi ng teacher ko.
"Ma'am may i go to CR?" Sabi ko.
"Just make it fast Mister" sabi ni ma'am.

Dumiritso ako sa CR at di na bumalik pa sa klase, first day palang cutting na.

Makalipas ang ilang linggo ako ay pumasok na muli, at kagaya ng ina-asahan ako ay napa guidance.

"Abay Mr.Retsford napasobra naman ata ang bakasyon mo?" Sabi ng principal.

"Aba sir pano niyo po ako nakilala?" Patawa kong sinabi.

"Walang modo tong batang to" sabi ng guidance councelor.

"REALLY?" Patanog kong sinagot.

"Mr.Retsford STOP!" pasigaw sinabi ng Principal.
"Anong dahilan at bat ka nag absent ng ganon ka tagal at nag cutting class kapa!?" Triggered si Sir.

"Trip ko lang sir" chill lang na sinasagot si Sir.

"I NEED TO TALK TO YOUR GUARDIANS!" Palaban talaga si Sir.

"No problem Sir! As you Wish! May I go out now!?"

"Get lost!"bait talaga ng principal namin.

"Thank you Sir." Kinawayan ko sila at nginitian para mas lalong ma triggered.

Naka usap ng principal ang Lolo at Lola ko, sila kasi ang nagpalaki sakin dahil nagtratrabaho sa ibang bansa ang nanay ko at di ko pa nakilala ang tatay ko simula nang pinanganak ako.

"Good Morning Mr. And Mrs. Layami ako nga po pala si Sir.Gonzales gusto ko lang po  makausap kayo tungkol sa inyong apo na si Nick." Sabi ni sir. gonzales(Principal).

"Bakit po sir ano pong nangyari?" Kabadong patanong ng lola ko.

"Alam niyo po ba na nag cutting si Nick sa first day of school? At umabsent din po siya ng ilang linggo" marahang sinabi ni sir.Gonzales.

"Abay sir hindi namin alam iyon! dahil akala namin ay pumapasok siya at nag-aaral ng mabuti" pagalit na sinabi ng lola ko.

"Mukhang may problema po ang apo ninyo?" Patanong na sinabi ni sir.Gonzales.

"Hindi po namin alam yun sir. Dinaman po nag kwekwento si Nick saamin, hayaan mo sir kakausapin po namin siya mamaya sa bahay"

At nakipag kamayan sila sa isa't-isa bilang tanda ng pagpapa-alam.

Naka uwi na ang Lolo at Lola ko.
"NICK!" Sumigaw ang Lolo ko.

"O La,Lo"nag mano ako.
umatras ako konti at sinabi ko.

"Bakit po ano pong meron mukhang triggered po kayo ah?" Di ko alam kung ano ang nangyayari.

"Ano yun sinabi ni Sir.Gonzales na nag cutting ka daw first day of school! At ilang linggo kana palang di napasok sayang yung mga baon na binibigay namin sayo!" Pasigaw na sinabi ni Lolo.

Patay nalintikan na dapat di ko nalang pinapunta! Im so STUPID!.

"AHHH! Kasi po La,Lo. Wala panaman po kasing ginagawa sa school sayang naman yung oras ko dun kung puro pagpapakilala lang ang gagawin" kabado kong binangit bawat salita.

"Ah ganon ba? Oh siya sige pumasok kana bukas baka magsisimula na silang mag klase."

"Opo La. Papasok po ako bukas"

Nakalusot ako dun ah! Na napahinga ako ng malalim at pasigaw na sinabi sa isip ko na THANK GOD!.


Red String.Where stories live. Discover now