Patama 63

20 1 0
                                    

Hindi  pa rin ba okay yung puso mo?

Okay, naiintindihan ko.

Hindi ganun kadaling mag move on.

Don't force yourself.

Hindi naman magbabago yung nararamdaman mo kung pipilitin mo ang sarili mo sa isang bagay na alam mo naman na hindi ganun kadaling gawin.
Ikaw ang makakatulong sa  sarili mo.

Unang-una ay dapat mong matanggap sa sarili mo na wala ma kayo. Mahirap pero kailangan, kung hindi mo pa kaya ayos lang. Hindi naman dapat madaliin.

Pangalawa, huwag mo ng masyadong isipin ang naging dahilan or yung pagbe-break niyo. Pati na rin yung mga memories niyo together.

Pangatlo ay pakalmahin mo ang isip mo para makapag isip at makapag desisyon ka ng maayos. Kumain ka ng tama at matulog ng tama. Oo maiisip mo pa rin yung mga ginagawa niyo dati pero tandaan mo na nabubuhay ka hindi lang para sa kanya, nabubuhay ka para sa Family mo at sa SARILI mo. Mahalaga nga siya sa iyo pero sa tingin mo ba mahalaga ka pa rin sa kanya?

Pang apat ay ituon mo ang sarili mo sa mga bagay na walang kinalaman sa kanya, para hindi mo na siya masyadong maisip pa.

Pang Lima Burahin mo na sa isip at sa puso mo ang FEELINGS mo sa kanya. Alam mo ba na sa pag mo-move on ay yung FEELINGS ang kinakalimutan at hindi yung tao. Burahin mo na yung Text , chats at picture niyo together kasi kapag nakita mo yun ay maalala mo pa siya at mas masasaktan ka lang.

Pang Anim, Mag patawad ka. Patawarin mo siya at bigyan niyo ang isat isa ng closure. Forgive and Forget. Mag tiwala ka sa sarili mo na makakalimutan mo siya.

HUGOT PATAMA 101On viuen les histories. Descobreix ara