Nang matapos na ang ilang mga period, inaabangan na pala ako ni Wade sa labas ng room namin kaya hinayaan ko siyang hilain ako papunta sa kung saan.

Wade is my ultimate crush since grade 6, hanggang ngayon eh, kaya naman hindi rin ako makapaniwalang ganto nalang ako kausapin ni Wade na parang may gusto siya sa'kin, pero ayoko naman mag-assume, parang lang naman.

Tinanong ko si Darryll kung bakit niya sinabi 'yong pagmamay-ari niya ako pero hindi niya sinagot kaya naguguluhan ako sakaniya kung puro lang siya show, walang words.

Bago kami makarating sa canteen bigla akong hinila ni Darryll, "You can't take her." sabi ni Darryll.

"Yes I can." sabi niya at sinignalan ang mga kasama niya atsaka itinulak si Darryll pero kahit anong tulak nila hinding hindi nila maitutulak ito dahil malakas si Darryll.

Ni-hindi siya napapagalaw sa pagkakatayo niya, kahit anong tulak ng mga kaibigan ni Wade ay hindi siya maitulak, akmang susuntukin na sana siya n'ong isa pero hinawakan niya lang ang kamao no'n atsaka siya tinilapon pababa.

Napa-inda ang kaibigang iyon ni Wade, "Gusto mo ikaw rin sampolan ko?" sabi ni Darryll at pula ang mata, Damn, he's mad.

"Sa tingin mo natatakot ako sa'yo?" sabi ni Wade at ngumisi.

"Please Wade, huwag mo nang patulan please." sabi ko kaya napatingin siya sa'kin.

He smiled, "Fine, let's go." sabi ni Wade at pumunta kami ng canteen, hindi ko na naramdaman ang presensya ni Darryll.

Dahan dahan akong lumingon sa likod at hindi ko na nakita si Darryll do'n, Nako mukhang magagalit sa'kin si Darryll ah, Sana naman hindi, bakit ba kasi ang complicated ng utak niya, hindi ko siya maintindihan, ang sabi ko nga sa sarili ko hindi na ako mag-aassume ng bagay na wala namang assurance, kaya ayokong isipin niya na gusto niya ako, mas okay ng maging manhid kaysa nagdadive ka ka'gad sa isang not sure conclusion.

"Anong gusto mo?" sabi niya at ngumiti.

"Ikaw—" napatigil ako.

"Ako?!" sabi niya at tumawa.

"Baliw, sabi ko, Ikaw ba?" sabi ko at pinalo siya sa braso.

"Uhmm, sige ako nalang bahala." sabi niya.

Nang matapos kaming kumain ni Wade, bumalik na kami sa classroom at nagulat ako nang nakita ko si Lannie na kausap si Darryll.

Lumapit ako ro'n, "Lannie anong problema?" sabi ko.

"Wala Aubrey, he's just bored atsaka naiinis daw siya." sabi ni Lannie.

"Ay, where have you been bakit hindi mo kasama si Darryll?" sabi ni Lannie at napakunot ang noo.

"Ah kasi si Wade 'yong nasa section 2, niyaya akong kumain." sabi ko at ngumiti.

Napatalon ako nang hampasin ni Darryll lamesa at nag-crack ito sa lakas nang pagkakapalo ni Darryll, "Kanina pa ako nagpipigil Aubrey." sabi ni Darryll at lumalabas ang ugat sa mga kamay maging sa leeg.

Nagulat ako nang ipikit ni Lannie ang mata ni Darryll at bigla nalang silang nawala, Nagulat kaming lahat sa nangyaring pagkawala nilang dalawa.

Ano ba, hindi ko na talaga maintindihan si Darryll, I can't take this anymore, kokomprontahin ko na siya mamayang uwian, kapag wala siyang sinabi sa'kin, I swear masasampal ko siya.

Umupo na ako sa upuan ko, at sakto naman ay nandiyan na ang guro. Lumipas ang oras at uwian na pala, naiinis na rin kasi ako sa mga nangyayari, Naiinis ako dahil kay Darryll, para siyang batang ayaw nang kumalma dahil hindi sinama o sinunod ang gusto, hindi ko siya maintindihan.

Nang nag-silabasan na ang mga classmate ko, hinihintay ko pa si Darryll dito, wala pang limang minuto ay dumating na si Darryll kasama si Lannie.

"Uuwi na ako Darryll huh, okay kana ah." sabi ni Lannie at ngumiti.

"Sana ikaw nalang." sabi ni Darryll kay Lannie.

"Wala eh,  tapos na tayo." Lannie chuckled atsaka sila lumapit sa tabi ko.

"Uwi na ako ah, bye bye." sabi ni Lannie at umalis na.

Nang naiwan na kami ni Darryll do'n sa classroom, Nakatingin lang siya sa'kin at hinihintay kong magsalita siya pero ayaw niyang magsalita kaya inunahan ko na siya.

"Darryll, may tatanungin lang ako ah." sabi ko.

"May gusto kaba sa'kin?" sabi ko.

Hindi siya sumasagot kaya nainis ako lalo, "Answer the fuckin' question damn!" sigaw ko sakaniya.

"YES! I DO LIKE YOU, CAN'T YOU SEE IT? Hindi ko nga alam kung bakit eh, simula n'ong una nagugustuhan na kita, dahil ang bait bait mo sa'kin, hindi ko rin alam kung bakit kapag tinititigan kita, napapangiti ako ng palihim, at hindi mo lang din alam na pinagmamasdan kita habang tulog ka, I like you goddamn." sabi niya at naka-awang ang labi.

Nagulat ako sa mga sinabi niya, Oo napapansin ko pero ayokong mag-isip nga nang kung ano diba, ayoko na kasi masaktan pa.

"Kaya sana layuan mo na si Wade, dahil konti nalang mapapatay ko na siya." sabi ni Darryll.

"Ngayong alam mo na gusto kita, alam mo na kung bakit sinabi kong akin ka lang, dahil kung sino ang umagaw sa'yo, mapapatay ko." sabi niya at may pagbabanta ito.

"Dahil ang pagmamay-ari ko ay sa'kin lang, and I really hate sharing what's mine." sabi niya.

Wala na akong naririnig kung hindi, ang malakas na pagtibok ng puso ko...

__








Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now