51 ⌜ ᴊᴇɴᴏ ⌟

498 29 4
                                    

jeno,

kung nababasa mo man 'to ngayon at nagtataka ka kung bakit mo 'to nakita. siguro ngayon, gulong-gulo ka na. wag kang mag-alala, wag ka ring mataranta. subukan mong huminga nang malalim at kumalma.

➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎

jeno,

oo. ikaw si jeno. lee jeno. 19 years old. purong koreano ka pero nakatira ka sa pilipinas ngayon. kasama mo 'yung mga kaibigan mo dito, sinundan ka nila dito dahil hindi sila sanay na may kulang sa inyong magkakaibigan. kung nagtataka ka at natataranta ka na dahil hindi mo matandaan lahat ng nakasulat dito, kalma. hingang malalim. wala kang kasalanan okay? may alzheimer's disease ka. alzheimer's disease, yung nakakalimutan mo 'yung mga nakasanayan mong gawin, yung mga paborito mo at yung mga taong nakapaligid sayo. nakuha mo 'to dahil sa dementia na nangyari 9 years ago.

➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎

jeno,

nagkaroon ng car accident 9 years ago. 10 years old ka non. naglalaro ka lang 'non ng skateboard nang makita mong may masasagasaang babae sa kalsada. dahil sa reflexes mo, tinulak mo agad 'yung babae at 'yon nga, ikaw 'yung nabundol. pero wag ka magalala dahil hindi naman masyadong malala, since buhay ka pa naman hanggang ngayon. hahaha!

➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎➖︎

jeno,

sa totoo lang hindi mo pinagsisihan 'yung nangyari na 'yon. kasi naligtas mo 'yung babae. naligtas mo siya. naligtas mo si gizzan.

cheat ➼ lee jenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon