Chapter 24 - Rekindle (part II )

3.5K 78 2
                                    

dedicated to you :) Salamat sa pagfollow !

Enjoy~ Sana mag comment naman po kayo.. gusto ko malaman ang feed back nyo T^T

----------------------

Nicole's POV

Simula nung araw na iyon hindi na ko nakaalis ng dorm ng walang sundo at syempre hinahatid din ako ni Jockas, Masaya pero pag naiisip ko na dahil lang sa bata kaya sya ganto may kung anong pumipia sa puso ko.

"Are you okay ?" Tanong sa akin ni Jockas na akay akay ako papasok ng Jeep.

"Yep, ayos lang ako" Pagkaasok namin sa Jeep nag hintay lang kami ng konte at pinaandar na ng driver ang sasakyan.

habang byahe, Panay pa din ang tanong nya sa'kin kung ano daw bang nararamdaman ko, kung may masakit daw ba sa'kin at kung ano-ano pa pero laging ngiti lang ang sagot ko sa kanya.

Nung makarating kami sa School, 8:30 pa lang nun at 9am pa ang umpisa ng klase namin ni Max, malapit na din ang bakasyon kaya naman busy na ang lahat sa pagkumpleto ng requirements.

"Jockas, ayos na 'ko dito. Umuna kana alam kong dapat may gagawin ka." Nung una, ayaw nya pa pero nung dumami na ang tao at makumbinsi ko sya na kaya ko ang sarili ko, umuna na din sya sa building nya.

Dire-direcho lang ako sa paglalaakad ng di ko sinasadyang madinig si Kier, Oo si Kier. Kahit di ko nakikita, alam ko sya yun base pa lang sa boses nya.

"Sige po Sir. tapusin ko lang po ang exam ko, pupunta na po ako dyan. Pakisabi po kumain na sya"

Hanggang dun lang ang malinaw na nadinig ko kasi dumirecho na 'ko sa paglalakad.

Nung makaratng ako sa klase agad kong binuklat ang libro ko, Wala din naman akong makakausap eh. Lahat kasi halos sila inaway ko dahil nga pinagchismisan nila na nagtanan daw sina Maxine at Kier. Pero nung bumalik si Kier at walang maxine na lumitaw may iba na naniwalang 'di sila umalis, Yung iba naman palabas lang daw yun para di isipin na nagtanan sila. Mga tao talaga. 

Paniniawalaan ang gusto nilang paniwalaan.

Maya-maya dumating na din ang profs at nagturo na.

Di ko namalayan, uwian na pala. Kundi lang nagtext si Jockas na hintayin ko sya sa headquarters eh di ko malalaman.

Nagrely naman ako na papunta na 'ko.

Dumaan muna ko sa locker ko para iwanan ang ibang libro na di ko naman gagamitin.

Naglalakad ako sa hallway ng dumaan si Kier, gaya ng dati, nagmamadali na naman sya at may kausap sa telepono.

Di ko na san papansinin kun'di ko lang nadinig ang pangalan n'ya.. Pangalan ni Maxine.

"Sir. ayos na po ba si Max? bakit po sya nag faint ?......ganun po ba ? ...... sige papunta na po ako... last subject ko na naman po eh..... sigr po bibili na lang ako."

pagtapos nung usapan nila nilagay nya yung akla5 nya na di kalayuan sa locker ko.

Pero.. ano yung nag faint si Max?

iniling ko ang ulo ko habang inaalis ang ideyang 'yon, baka nagkakamali lang ako ng dinig.

Sinalubong naman ako ni Jockas sa napag usapan naming lugar. Agad kong tinungo ang HQ at pumunta sa table ni Jockas.

"Oh ! anjan ka na pala. wait lang babes, ligpitin ko lang yung gamit ko."  napa taas naman ako ng kilay sa tinawag nya sa'kin. 'babes ?!' WTH is that ?

Revenge with Mr.Ex  [ COMPLETED ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt