May mga bagay talaga na mahirap tanggapin. Gaya na lamang sa pangyayaring hindi mo inaasahan.
Gaya sa storyang ito....
Lahat ng tao ay may pangarap. Gaya ko, pangarap kong maging isang sikat na police woman, oh diba? Ang angas ng pangarap ko? Ke'babae kong tao, yan pa ang nagging pangarap ko. Sabi nga ng bestfriend ko, 'Pnag tomboy' daw ang pangarap ko. Ay oo nga pala, may bestfriend ako. Nikko ang pangalan niya. Ah, may pangarap rin pala akong imposible, yun bang... Sana mahalin din ako ng bestfriend ko. Nagsimula ito ng malaman ko ang kahulugan ng pagmamahal. Gusto ko 'ako' lang ang ipinagmamalaki niya, gusto ko, lagi ko siyang nakikita.
"Hoy! Glayza! Ano ba talaga?! Nakikinig ka ba talaga o ano?! " - Si Shen yung nagsalita, kaklase ko.
"Aattend ka ba talaga ng JS o ano?!" - Nakisigaw parin niyang sabi.
Nga pala, sa susunod na lingo na yung JS prom namin. Hindi pa ako sure kung maka attend ako. Wala kasi akong pambili ng susuotin..
"Ah! Pasensya na, Hindi pa ako sure Shen eh." -sabi ko.
"Ay naku! Pag-isipan! Ikaw rin yung mang hihinayang. 4th year na tayo, at ilang buwan nalang gragraduate na tayo! Noong isang taon rin hindi ka umattend!" - naka bungisngis niya uling sabi.
"Kahit gustuhin ko man, wala talagang pambili yung magulang ko para sa isusuot ko. Alam mo naman Shen na mahirap lang kami." -paliwanag ko ulit.
"Ano ka ba naman Glyza!! Halo.. eh di mag renta ka nalang ng gown! 200 pesos lang naman isang araw!" -sigaw niya ulit.
"Ano? 200?! Mabuti pang ibili ko nalang ng gamot para kay tatay yung pera kesa igasto ko lang sa mga walang kwen----"
"Oo na! wala ng kwenta kung wala! Sige, uuwi na ako! "
Kilala ko si Shen, Kapag galit yan mas gugustuhin pa niyang itago ang galit, kesa makasakit ng damdamin. Totoong may sakit ang tatay ko, minsan nga hindi ako maka kain sa isang araw dahil nga kinakapos kami sa pera. Scholar lang ako kaya nakaka pag-aral pa ako ng highschool, kung hindi ako naging scholar, matagal na sana akong tumigil sa pag-aaral. Mabuti nalang hindi ako pinababayaan ng Diyos.
"Oy Glyza! Sumakay ka na rito dali! Malapit ng umulan oh!" - sabi ni Nikko.
Nakaka gulat nga eh. Bigla-bigla nalang lilitaw.
"hala sige, titigan mo lang ako ha?" - naka ngising sabi ni nikko.
"Oo na po Lolo." - mapang-asar kong sabi.
Pinapasakay niya ako saan? Sa kotse niya, pero hindi pa siya nag mamaneho minor palang siya eh. Kaya may Driver siya parating kasama pag-aalis siya. Binuksan niya yung pinto ng kotse, nasa back seat kami naka upo. Malamang mag katabi kami. Haloo?! Hindi ito mahabang upuan para hindi kami magka-dikit. Walang malisya syempre.. Bestfriend ko to eh, but actually it means a lot to me.
"oy kamusta na Crush mo?"- Nikko.
Ah, gumawa gawa nga pala ako ng kwento na may crush ako. Tinuktukso kasi ako ng iba niyang mga kaklase na siguro kaya hindi pa ako nag boboyfriend kasi may gusto daw ako kay Nikko. Kahit totoo kinakailanagan ko paring itago yung feelings ko. Malakas kayang mang-inis ng mga kaklase niya. Kaya ayun, gumawa ako ng kwento na may crush ako at hihintayin ko lang kunwari na ligawn niya ako.
"Ah yun? Hihi. Patay na ata?" - Pabiro kong sabi.
"Hay naku! Kahit kelan talaga hindi mawawala yung pagkaloka-loka mo!" -naka tawa at naka iling niyang sabi.
"Syimpre, mana sa bestfriend eh!" - nag apir pa kami na parang mga tanga.
"HAHAHAHAHAH! Nga pala, kamusta pag-aaral?" - Nikko
YOU ARE READING
JS PROM
Teen Fictionpaano kung maka sayaw mo yung taong mahal mo? but actually that time, isa na siyang multo? nako! mag tatago ka ba? O__________O
