CHAPTER 36.8: Party (part 2)

Start from the beginning
                                    

 

 

“I know… kahit ako nagulat ng Makita ko silang bumaba kanina. Halos kasabay lang namin silang dumating at agad akong tumakbo dito para hanapin ka. Vens, I think those six… those six are part of influential families… like us.” She said and I stayed like… is-this-true?

 

 

Geenee’s POV

“Mommy, san po ba tayo pupunta at kailangan pa nating magsuot ng ganito?” I asked irritatedly dahil sa ayos ko.

 

“Anak, you’re beautiful, anong ikinagagalit mo sa ayos mo? Ang ganda ganda mo kaya.” Mom said as she looked at me and smiled. I saw Dad and Kuya smiled.

 

 

“Alam niyo naman pong hindi ako sanay sa ganito. I hate wearing make ups. Ngayon nalang ulit ako nag-ayos ng ganito. Buti sana kung makikita ‘to ni ter-ter.I whispered the last sentence.

 

 

“Don’t worry. Alam kong magiging masaya ka kapag nalaman mo kung saan tayo pupunta. And for sure… makikita mo siya Geen.” Kuya said and I looked at him curiously.

Siguraduhin lang talaga nilang magiging masaya ako dahil kahit ganito ang ayos ko, uuwi akong mag-isa pag nabagot ako.

Bumaba kaming lahat ng kotse ng marating na namin yung hotel. Hinawakan pa ni kuya ang bewang ko at naglakad kaming lahat papunta don sa kung saan gaganapin yung event.

Nagpalinga-linga ako. Ang daming tao. Tapos, parang ang yayaman pa. Mayaman din naman kami pero… hindi kami kasing sososyal ng mga nandito. Halos mapanganga ako ng Makita ko pa yung loob. Ang ganda-ganda lang. Kung sino man ang magbi-birthday, napakasosyal niya. Engrandeng engrande ang handa at ang ayos ng kabuuuang lugar na ‘to.

“Uh… dito muna kayo ng Kuya mo. Pupunta lang kami ng Mommy niyo sa mga kaibigan namin.” Dad said and Kuya and I both nodded.

“Tara Geen, upo tayo don.” Turo ni Kuya sa isang table at tumango naman ako. Nakayuko lang ako at nakasunod sa likod ni Kuya. Ang dami kong iniisip at kung ano yon, hindi ko alam dahil sa dami.

At ewan kung katangahan o accident lang pero…

“Ah!” Pasigaw kong sabi ng muntik na akong matapilok. Pero buti nalang. May sumalo sakin at humawak sa bewang ko. For sure si Kuya ‘to.

“Thanks Kuya.” I said and still bowed my head. Nakakahiya, baka may mga nakakita sa nangyari.

“Mukha na ba akong Kuya mo?” Halos mapatalon ako sa gulat sa sinabi ng katabi ko. Automatic akong napatingin sa kanya.

Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng imahinasyon ko? Tsk. Umiling-iling ako at pumikit pero… naramdaman kong may pumitik sa noo ko kaya napa-aww ako at napahawak dito.

 

“Para san yon?” Tanong ko at kumunot ang noo ko ng mapagtanto kong hindi panaginip ‘to. This is real right? Hinawakan ko siya tapos…

 

“Aray! Para san yon?” Tanong niya habang hinihimas yung ulo niyang sinapak ko. Totoo nga. Hindi nga panaginip ‘to.

 

“What are you doing here Lester?” I asked as I cross my arms.

 

“Ako ang dapat magtanong niyan. Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sabay taas baba ng tingin. Naningkit ang mga mata ko sa ginawa niya.

 

“Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Alam kong hindi bagay ang suot ko. Wag mo ng ipangalandakan pa.” I said and was about to leave but he held my arms.

 

“Sinong nagsabing hindi bagay sayo? You look gorgeus…” He whispered at halos magtaasan lahat ng balahibo ko. Gorgeous daw… ako? I felt blood rushes to my cheeks kaya agad akong bumitaw sa kanya at umalis ng hindi siya tinitingnan.

 

“Baliw ka talaga Lester. You’re crazy for making my heart jump in glee…” Napangiti tuloy ako at halos matapilok ako ng biglang may kumaladkad sakin.

 

“Hoy teka! Ano ba?” Pasigaw kong sabi pero patuloy lang akong kinaladkad hanggang huminto kami sa isang tagong sulok. Pagtingin ko…

 

“What are you doing here?!” Sabay sabay naming tanong.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now