"Ang daldal talaga ng babaeng iyon. Pupuntahan ko kasi si daddy sa hospital. May pag-uusapan daw kami." Sagot ko.

"Ganoon ba? E 'di kita na lang tayo sa Hospital? Text mo sa 'kin kung saang hospital." Sabi niya.

"Sige kita na lang tayo." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Agad kong tinext sa kanya kung saang hospital dinala si daddy. Pagkatapos ay nag-ayos na ako at bumaba na. Pupunta na ako sa hospital. At dahil walang sasakyan sa garahe ay kailangan kong magtaxi papunta sa hospital.

PAGDATING ko sa hospital ay agad akong pumunta sa information desk para tanungin kung saang kwarto si daddy.

"Excuse me, miss. Saang kwarto si Ezekiel Saavedra?" Tanong ko.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Ano ba itong babaeng 'to. Kung maka tingin akala mo may kasalanan ako sa kanya. Nagtatanong lang naman ako.

"Sandali lang po." Sagot niya sa seryosong boses. Suplada siguro 'to. Tumingin siya sa hawak niyang listahan at tumingin ulit sa 'kin.

"Nasa fifth floor po ang kwarto ni Mr. Ezekiel Saavedra. Sa pangatlong kwarto." Sagot niya.

"Thank you." Sagot ko at naglakad na papunta sa elevator. Naghintay pa ako ng ilang segundo dahil hindi pa bumubukas ang elevator. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumukas na iyon kaya agad akong pumasok at pinindot ang fifth floor.

Pagdating ko sa fifth floor ay hinanap ko ang pangatlong kwarto. Agad ko namang nakita at binuksan iyon. Nakita ko si mommy na natutulog sa gilid ni daddy. Agad akong lumapit sa kanila. Naaawa ako sa lagay ni daddy. Limang taon na wala ako sa tabi nila ni mommy. Hindi ko man lang siya naalagaan.

Pinapangako ko sa sarili ko na tutulongan ko si daddy sa kompanya niya habang nagpapagaling siya. Kahit doon man lang ay makatulong ako sa kanya. Nag-iisa lang akong anak kaya ako lang ang maaasahan nila. Hindi ko namalayan na gising na pala si mommy.

"Anak. Ikaw nga." Sabi ni mommy at tumayo at niyakap ako. At doon na tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Mommy sorry." Tanging nasabi ko habang yakap siya.

"Bakit ka nagso-sorry anak?" Tanong niya.

"Kasi po wala ako sa tabi niyo ni daddy ng limang taon. Hindi ko po kayo naalagaan," umiiyak na sabi ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Okay lang iyon. 'Wag mong isipin iyon. Ang importante ay nandito ka na. Okay?" Sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Thank you, mommy." Sagot ko.

"Hintayin mo na lang na gumising ang daddy mo. Siya na ang kaka-usap sayo." Sabi ni mommy habang naka-upo kami.

"Ano po ba ang pag-uusapan namin? Tanong ko.

"Anak mas mabuti siguro kung ang daddy mo mismo ang magsasabi niyan sa 'yo." Sagot ni mommy. Hindi na lang ako nagsalita. Hihintayin ko na lang si daddy.

Napatingin naman kami ni mommy nang bumukas ang pinto at pumasok si Dianne at Crystal.

"Zap!" Tawag ni Dianne at niyakap ako ganoon din si Crystal.

"I miss you, Zap." Si Dianne.

"I miss you too." Sagot ko.

"Nga po pala tita. May dala po kaming prutas." Sabi ni Crystal at binigay kay mommy ang isang basket ng mga prutas.

"Salamat sa inyo." Sagot ni mommy at kinuha ang basket.

"Maupo muna kayo." Sabi ni mommy.

"Salamat po, tita." Sabi nilang dalawa at umupo.

"Sige maiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng makakain natin." Paalam ni mommy.

"Sige po." Sabi nilang dalawa. Agad namang naglakad si mommy palabas ng kwarto.

"Zap, bakit dito niyo dinala si tito Zeke?" Tanong ni Dianne sa 'kin. Nangunot ang noo ko sa tanong niya. May problema ba kung dito dinala ni mommy si daddy?

"Bakit? Si mommy ang nagdala dito." Sagot ko.

"Oo nga naman. May problema ba kung dito dinala si Tito?" Tanong ni Crystal.

Napabuntong hininga si Dianne. "Yes. Meron." Sagot niya. May gusto siyang sabihin. Meron ba siyang alam na hindi namin alam?

"Ano naman ang problema doon?" Tanong ko.

"Kasi ang may-ari ng hosp---"

Hindi na natapos ni Dianne ang sasabihin niya nang may kumatok sa pinto at pumasok ang doctor at isang nurse. Napatayo kaming tatlo.

"Excuse me po. Iche-check lang namin ang pasyente." Sabi ng doctor. Tumango lang ako.

Napapa-isip pa rin ako sa sinabi ni Dianne. May problema ba kung dito i-confine si daddy? Parang wala naman.

Ano kaya ang dapat sabihin kanina ni Dianne? Hindi na niya naituloy dahil pumasok ang doctor. Sa susunod ko na lang tatanungin si Dianne tungkol doon. Kailangan ko munang maka-usap si daddy tungkol doon sa pag-uusapan daw namin.


••••••

Thank you for reading.

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2018.

The Billionaire's Daughter [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now