Chapter 46: Coincidence

Start from the beginning
                                    

Dahil rinig na rinig ko na ang pag-iyak ng mga monsters ko sa tiyan ko, minabuti ko nang pumunta ng kusina para maghanap ng makakain.

Binuksan ko ang ref namin pero may iba atang hinahanap itong mga alaga ko.

“Misha, sandali lang ako ha? Bibili lang muna ako ng makakain.”

Kinuha ko na iyong susi ng kotse ko sa taas saka ako umalis.

“Magtatake out nalang ako dahil walang kasama si Misha sa bahay.”

Pinuntahan ko iyong pinakamalapit na fast food chain sa bahay namin. Dahil walang drive thru eh kailangan ko pang ipark ang kotse ko at bumaba.

Pumasok na ako sa loob ng fast food chain at pumila. Ito talaga iyong pinaka ayoko sa isang fast food chain, ang pagpipila.

“Princess?”

Nagulat nalang ako ng tawagin ng lalaking nasa likod ko at pangalan ko.

“Aaron?”

Bulalas ko pagkatapos ko siyang lingunin.

“Anong ginagawa mo dito?”

Tanong niya.

“Ano ba namang klaseng tanong iyan? Anong ginagawa ko dito? Syempre mag-oorder ng pagkain. Alangan namang manood ng sine?”

“hehe. Oo nga noh. Libre na kita.”

Sabi ni Aaron habang nakakamot sa ulo niya ang kanang kamay niya.

“Huwag na. Nakakahiya naman. Isa pa magtatake-out lang naman ako.”

“Cge na Princess please? Please?”

Naalala ko tuloy iyong nangyari nong gabing nalasing ako at nakasalubong ko si Xander. Kung hindi dahil kay Aaron baka ano ng nangyari sa’kin.

Tatanawin kong isang utang na loob iyon.

“Cge na nga.” Sabi ko sa kanya.

Wala naman sigurong masama kung sasabayan ko si Aaron sa pagkain.

Pinaupo nalang ako ni Aaron at siya nalang daw iyong bahala sa order namin.

Pagkatapos ng sampung minuto, nakabalik nadin si Aaron sa table namin dala dala ang inorder niya.

“Ang dami naman niyan.” Sabi ko.

“Kailangan mo kasing kumain ng marami. Hehe”

Nagkwentuhan lang kami ni Aaron ng kung ano ano habang kumakain kami.

The Princess' Heart (Completed)Where stories live. Discover now