Chapter 1: Ang katotohanan

53 8 6
                                    

Chapter 1: Ang katotohanan

Zoe POV

"May bisita po pala tayo mama, papa?" tanong ko sa magulang ko habang nakatingin sa isang babaeng sa tingin ko ay kasing edaran lang ni mama na nasa 40's din.

Kakarating ko lang kasi sa aming bahay galing sa aming paaralan. Half day lang kami ngayon dahil bukas ay exam na namin kaya maaga kaming pinauwi para makapag-review. At heto nga, hindi ko inaasahan na may darating pa lang bisita ngayon.

"Hello Zoe," nakangiting bati sa akin ng bisita nila mama kaya naman napangiti rin ako sa kanya at binati rin siya pero hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako kaya naman hindi ako agad nakagalaw.

"Aalis na siya anak," sabi ni mama saka niya ako inagaw sa pagkakayapos ng kanilang bisita.

"Umalis ka na Helga," napakunot naman ako sa inaasta nina mama at papa sa bisita. Tila pakiramdam ko ay may nangyari bago ako dumating.

"Hindi ako aalis hangga't hindi nalalaman ni Zoe ang katotohanan!" matigas na pagkakasabi ng bisita nina mama at papa.

"Katotohanan? Ano pong sinasabi niyang dapat kong malaman?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Huwag kang maniwala sa kanya anak. Exam mo na bukas diba? Mag-review ka na sa taas. Kami na ang bahala dito," nakangiting sabi sa akin ni papa.

"Zoe, kaka-debut mo lang diba? Heto nga pala ang regalo ko sa 'yo," abot sa akin ng isang malaking box ng bisita nina mama at papa. Magiliw at matamis siyang nakangiti sa akin pero kapag kausap niya sina mama at papa ay parang may kakaiba.

Oo, kakatapos lang ng debut ko ng nakaraang araw. At isa iyon sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

"Please Helga, umalis ka na tahimik na ang buhay namin ngayon," biglang sabi ni papa kaya naman muli nanaman akonh nacurious kung ano ba talaga ang dapat kong malaman na katotohanan.

Nakita ko na inilipag ng babae yung hindi ko tinanggap na regalo sa aming sofa. Kaya hindi ko tinanggap dahil baka magalit sina mama at papa saka ngayon ko pa lang nakilala ang bisita nila kaya naman nahihiya akong tanggapin yung regalo. Nakita ko na may galit na namumuo sa mata ng bisita nina mama at papa. Pero yung sumunod na sinabi niya ang nagpatigil sa akin.

"Bakit ba pinipigilan niyo ako na makita at makasama ang anak ko ha?!" sigaw niya kina mama at papa saka biglang tinakpan ni mama ang tenga ko pero malinaw ko namang narinig ang bawat salitang binitiwan niya. "Oo, Zoe anak kita. Ako ang tunay mong ina."

"Helga!" sigaw ni papa nakita ko na lang na napaiyak na yung tinawag ni papa na Helga habang nakatingin sa akin kaya naman tinanggal ko ang pagkakatakip sa tenga ko ng kamay ni mama.

"H-huwag kang makinig sa kanya anak," nanginginig at naiiyak din na sabi ni mama sa akin.

Naguguluhan akong napatingin kay mama saka lumipat ang tingin ko kay papa na hindi makatingin sa akin at doon sa babae na sinasabi niyang siya ang tunay kong nanay.

"A-ano po bang meron?" naguguluhang tanong ko sa kanila. "Ano po ang sinasabi niya?"

"Helga!" muling tawag ni papa sa pangalan ng babae kaya naman sinamaan siya ng tingin ng tinawag niyang Helga. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano nga ba ang meron o kung ano ang nangyayari.

"Bakit Anton? Natatakot kang malaman ng anak natin ang kasinungalingan ng babae mo?! Ano?! Pumunta ako ng ibang bansa para magtrabaho. Habang ako naghihirap doon ikaw naman Anton nasa kandungan na pala ni Sonia!" umiiyak na sigaw niya habang galit na galit na nakatingin kina mama at papa.

"Mama? Papa? T-totoo po ba ang sinasabi niya? A-ano po ba ang sinasabi niya?!" naguguluhang tanong ko sa kanila ngunit hindi naman nila ako sinagot. "B-bakit po? Ba-bakit hindi niyo agad sinasabi sa akin?"

Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi ko agad maintindihan kung ano ang reaksyon nila. Ni hindi nga makatingin ng diretso si papa. Kaya pala madami ang nagsasabi na hindi ko man lang daw kamukha kahit ng kaonti si mama. 'Yun pala...

"Zoe!" sabay-sabay na sigaw nila sa pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin. Dumiretso ako sa kwarto ko saka ko iyon ni-lock saka ko isinubsob ang mukha ko sa kama ko habang walang tigil sa pag-iyak.

"Zoe? Mag-usap tayo. Anak, buksan mo na ang pintuan," rinig kong pakiusap ni mama pero hindi ko sila pinansin.

Pagkatapos nilang magsinungaling sa akin? Aakalain nila na madali ko sila mahaharap at makakausap? Ang tagal naming magkakasama pero ni minsan hindi man lang sila nag-abala na sabihin sa akin ang katotohanan tungkol sa tunay kong pagkatao. Katok nang katok si mama at papa pero hindi ko pa din sila pinansin hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan, kahit maaga akong nagising hindi ako agad tumayo mula sa higaan ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko na tumitig sa kisame ng aking kwarto. Malinaw pa rin sa aking isipan ang tagpong nangyari kahapon. Ni hindi ko na nga namalayan na hindi na rin pala ako nakakain ng hapunan dahil bigla na lang akong nakatulog kakaiyak. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig kahapon. Napatingin naman ako sa alarm clock ko na tumunog. Nauna akong magising sa pagtunog ng alarm clock ko. Tumayo na ako at saka ko pinatay ang alarm clock. No choice ako kahit tinatamad ako ay kailangan ko na tumayo para makapag-ayos na sa pagpasok a school dahil exam din namin ngayong araw kaya hindi pwede na umabsent ako kahit na tinatamad ako ngayong araw na ito.

Tinatamad akong tumayo na saka ko kinuha ang tuwalya ko saka ao dumiretso sa banyo ng kwarto ko. May sarili na din kasi akong cr sa aking kwarto. Ginawa ko na ang lahat ng orasyon ko sa pagliligo at pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform ko sa school. Saka ko naman inayos ang mga libro ko saka bag. Dahil nakatulog ako agad kagbi ay hindi ako nakapag-review kagabi. Tinignan ko ang suot kong relo.

"Maaga pa naman doon na lang ako magrereview sa library," kausap ko sa aking isipan bago ako lumabas ng aking kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ko si mama na may dalang isang plato sa isang kamay at isang plato naman sa kabilang kamay. Dapat pupunta na siya sa lamesa para san ilapag ang plato na hawak niya pero nakita niya ako kaya naman napahinto siya sa paglalakad. Nginitian niya ako pero hindi ako umimik sa kanya.

"Kumain ka na muna anak bago ka pumasok sa school," sabi ni mama sa akin bago siya tumuloy sa lamesa nakita ko pa nga si papaa na nandon at natingin sa aming dalawa. Maaga rin kasi napasok si papa sa opisina na kanyang pinagtratrabahuhan.

"Zoe, kinakausap ka ng mama mo huwag kang bastos!" rinig kong sabi ni papa nang maglakad na ako palabas ng aming bahay. Nasa pintuan na ako saka ako napatigil sa paglalakad.

"Sana nirespeto niyo din ang damdamin ko sa paglilihim niyo sa akin," matamlay at nagtatampong sabi ko saka ao tumuloy sa paglalakad palabas ng aming bahay para pumasok sa school.

"Zoe!"

"Hayaan na muna natin siya hon. Saka totoo naman ang kanyang sinabi. Kakausapin ko na lang siya pagbalik niya. Magiging ayos in ang lahat," rinig kong sabi ni mama kay papa kahit na nasa gate na ako.

"Sorry po mama at papa pero talagang nasaktan ako sa ginawa niyong paglilihim sa akin," bulong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fallen Angel's LoveWhere stories live. Discover now