36 : Mrs. Aldamante

Start from the beginning
                                    

Naging mabilis ang biyahe namin pabalik ng Maynila at parang bumalik muli sa dati ang lahat.

Kay bilis nga talaga ng oras na hindi ko na namamalayang pagabi na ng makarating kami ng Maynila. Kinuha ko na ang aking bagahe at pumasok na sa unit ko. Pagkapasok ko 'dun ko lang napagtantong kung gaano ako kalungkot.

Ni hindi manlang niya ako kinulit. Wika ko sa aking sarili. Ano ba naman iyan, kung kailan siya tumigil, saka ko naman siya gustong huwag munang tumigil. Ano ba talaga, Jord. What the heck do I want for my life huh. What the heck!

Isang katok sa aking pintuan ang aking narinig ng mailapag ko sa mesa ang aking bag.

Iniwan ko muna ang aking mga gamit bago ko pinagbuksan kung sino man ang kumakatok.

Laking gulat ko ng makita kong si Raven iyon na may dalang rosas. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

" Can I ask you out?" Diretso niyang wika sa akin. Ako may hindi ko alam ngunit basta na lang akong napangiti sa kanyang sinabi. Seriously, kagagaling lang namin mula biyahe, iimbitahin niya agad akong lumabas. Ni hindi pa nga ako nakakapalit.

" Hindi pa ako nakakapag-ayos. At chaka ang baho ko na" Tanging wika ko sa kanya. Isang ngiti lang ang naging tugon niya.

" Mrs. Aldamante, kailan ka pa naging mabaho. Kahit matagal ka pang hindi maligo, ang bango bango mo parin. I guess I'm addicted to your smell" He said then winked at me.

" Bolero" I muttered. Hinawakan na niya ang aking kamay bago iginaya palabas.

" I know my wife's hungry. Bawal magutom ang asawa ko" Wika pa niya hanggang sa makababa kami.

" Anong asawa ka diyan. Hoy ha Aldamante sinasabi ko na sa iyo" Wika ko sa kanya. Kanina pa 'tong pa Mrs. Aldamante mode nito ha.

" Dra. Torez" Tila nagulat ako ng makita ko si Ethan na papasok ng building. Nakasalubong namin siya.

" Dr. Montesor" Wika ko din sa kanya. Nakita ko kung papaano magkatinginan ang dalawa. Ramdam ko din ang paghigpit ng hawak sa akin ni Raven.

" Anong sadya mo Ethan?" Tanong ko sa kanya.

Diretsong tumingin sa akin si Ethan bago ako sinagot.

" I was supposed to ask you out. Pero mukhang may nakauna na pala sa akin. It seems that I should be early next time then." Wika niya sabay tingin kay Raven.

" My wife isn't allowed to go out with anybody else. I forbid her to" Parang may kung anong sumagi sa isipan ko ng marinig kong sabihin iyon ni Raven.

" Your wife?" Wika pa ni Ethan na may nakakalokong ngiti.

" She's not going to marry you" Mayabang pang wika ni Ethan kay Raven. Nagtagis ang bagang ni Raven at akmang susuntukin na sana niya si Ethan ng pigilan ko sila.

" Huwag" Bulong ko sa dalawa. Sabay silang napatigil at napatingin sa akin.

" Please" Sunod kong wika. Napabuntong hinga si Ethan bago napatingin sa akin.

" See you at the hospital" Wika lamang niya sa akin. Aangal pa sana si Raven ng pigilan ko siya.

" Ano. Magpapabugbog ka" Galit kong wika sa kanya. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at literal na ginaya niya ako palabas ng building.

Galit siya alam ko iyun. Sa lahat ng ayaw ko kay Raven ay kapag galit siya. Dahil kapag galit siya, wala siyang sinasanto.

He won't filter his words. The heck, he won't even sugar coat them.

Kung galit siya, aasahan mong galit talaga siya.

Galit niya akong kinaladkad papunta sa nakaparada na niyang sasakyan.

" Ba't ka nagagalit?" Wika ko pa sa kanya. Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa harap ng kotse niya.

Napasandal ako sa kotse niya ng ikulong niya ako sa magkabilang bisig niya.

" Galit ako, Chief. Galit na galit ako" Halos hindi ko na siya mapatahan dahil ang dilim dilim na ng mga mata niya

" Wala ka namang dapat ikagalit eh. Bakit, nakita mo bang umoo ako sa kanya" Ano na ngayon, Jord. Ikaw na ngayon ang nageexplain sa kanya kahit wala namang dahilan.

" Kung iyang galit mo rin lang ang pinapairal mo ngayon, masmabuti ng bumalik na lang ako" Takhang babalik na sana ako ng hapitin niya ako pabalik.

" Sakay" Matigas niyang saad sa akin.

Nakakatakot suwayin ang lalaking 'to kapag galit. Sadyang tumitiklop nalang bigla ang aking labi kapag siya na ang galit.

Kaya ayokong nagagalit ang Aldamanteng 'to. Kung gaano siya kaharot kung manlambing ay siyang sobrang nakakatakot niya rin kung magalit.

" Ayokong kausapin ka kung galit ka" Wika ko. Magwowalk out na sana ako ngunit nagsalita muli siya.

" Get inside the car Jord. Don't let me do it for you" Nakakainis na ha.

" Oo na oo na! Sasakay na po. Kahit galit ka, sasakay parin ako. Pupunta parin tayo sa kung saan mo gustong puntahan." 'Tong Aldamanteng 'to nakakainis na ha. This is just one of the many days in which I have to deal with his anger issues.

Sumakay na ako sa harapan at ganoon din ang ginawa niya. Pinaandar niya ang sasakyan at binuksan ang aircon. Ramdam kong may gusto siyang sabihin sa akin kaya ako na ang nauna.

" May sasabihin ka?" Tanong ko. Agad siyang napatango bago ako sinundan ng tingin.

" The next time I see him make a move on you, I won't think twice on punching him. And I mean it, Chief." Walang pag-aalinlangam niyang saad sa akin.

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now