Prologo

3 0 0
                                    


"Binibini."


Kasabay ng pamilyar na tinig ay syang pagdampi ng hangin sa aking balat. Tunay na kay ganda ng panahon na umaayon sa ganda at kapayapaan ng tanawin na kanipa'y aking pinagmamasdan, tila ba'y inaalo ako nito.


Labis ang sakit na aking nararamdaman, ni ang hangin o nakakahalinang tanawin na ito ma'y di magawang paawiin kahit kaunti manlamang ang bigat at sakit na aking nadarama. Kasabay ng aking paglingon ay syang pagbagsak ng mga luhang tanging sa kanya ko lamang nagawang ilabas. Bakas sa kanyang muka ang pag-aalala, nawala ang kanyang matamis na ngiti.


"M-mahal ko, ano't ika'y lumuluha?" napapikit ako ng dumampi ang ang kanyang palad saking pisngi at ang kabila ay saking balikat, tulad parin ng una ay naramdaman ko parin ang kakaibang elektrisidad, at ang kakaibang bilis ng pagpintig ng aking puso na tanging sya lamang ang nakapagdudulot. "O aking Solomon" bigkas ng aking isip.


"Mahal na mahal kita, Omong" sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang labi, isang ngiti na magpapalambot ng kahit na sinong makikita nito. "Iniibig, sinisinta, iniirog, tinatangi, minamahal, maraming salita ang maaring ihambing sa aking nararamdaman para saiyo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vos SomniatisWhere stories live. Discover now