"Sige na, Vanna. Minsan lang naman 'to eh." Sabi ni Carley.
"Oo nga. Last na 'to, promise!" Gatong naman ni Roxanne.
Napabuntong hininga ako sa kakulitan ng dalawang 'to. Tinignan ko sila sa mata. "Basta walang boys, ha? Tayong tatlo lang dapat ang nandon, at dapat nasa VIP Room lang tayo. Ano?"
Sumimangot ang mga mukha nila.
"Vanna naman, e. Pwede kahit yung ka-fling ko lang? Please." Sabi ni Roxanne.
"Oo nga, ako rin! Kahit yung ka-fling ko lang. Sige na." Sabi pa ni Carley.
"Basta 'wag kayong gagawa ng kung anuman sa harapan ko, ok?" Hirap tiisin ng mga kutong-lupa na 'to.
"Yay! Maligo kana at magbihis dali! Susunduin kana lang namin dito later." Sabi at niyakap pa ako. Tinulak ko sila palayo dahil hindi na ako makahinga. "Oo na, sige na! Layas na kayo!" Taboy ko sa kanila.
Hinalikan muna nila ako sa pisngi bago umalis, patalon-talon pa.
Umakyat na ako at tinignan ang oras. Alas sais na ng hapon, siguro kailangan ko nang maghanda. Naghanda muna ako ng damit na susuotin ko, isang plain na white tshirt na fit sa akin tapos isang faded ripped jeans. Hindi ko alam kung anong isusuot ko sa paa ko, snickers kaya o doll shoes? Anyway, bahala na, naligo na ako at nagbihis.
Bumaba na ako at nag-diretso sa Ref para may ginagawa ako habang nag-aantay sa kanila. Pumunta ako sa salas at in-on ang TV.
Maya-maya pa ay may naririnig na akong busina sa labas.
Inayos ko na ang pinagkainan ko at pinatay ang TV bago tumayo at naglakad palabas.
Paglabas ko ay laglag ang panga nila pagkakita sa akin.
"What?" Tanong ko dahil ni-head-to-toe look nila ako.
"Vanna, club ang pupuntahan natin hindi binyag."
"Bakit? Anong mali? Naka-ripped jeans naman ako, medyo liberated naman kahit papaano ah?" Napa-face palm sila at hinila ako papasok sa bahay hanggang kwarto ko.
Pinaupo nila ako sa kama bago hinalughog ang walk-in closet ko.
Pinasuot nila sa akin ang isang kulay itim na halter neck dress at pulang gladiator high heel. Hindi ko alam kung ba't may mga gamit akong ganyan, itatapon ko sila tapos makikita ko ibabalik ni mommy sa kwarto ko.
Nilagyan din nila ako ng light make-up at inayos ang buhok ko ng pa-waterfalls na style. Nilagyan ng highlight yung balikat, collarbone, ilong, at cheekbones ko. Andaming kaartehan.
"Tapos na ba kayo?" Nakapokerface na sabi ko sakanila. Ngiting-ngiti naman sila sa akin at inalalayan ako papunta sa salamin. Napatulala ako nang makita ang sarili. Bakit parang,
"Ba't ang kintab ko?!" Ani ko sa kanila. Napairap naman sila.
"Duh? Malamang dahil yan sa highlights na nilagay namin." Sabi ni Roxanne.
"Oo nga. At tsaka, ano ka ba? Ang ganda mo kaya." Sabi naman ni Carley na may kasama pang hampas.
"Ay nako, tama na yan, Vanna. 'Wag kana mag-inarte, nag-aantay na yung boylet ko 'don." Napairap naman ako sa sinabi ni Roxanne.
Hinila niya na kaming dalawa ni Carley at muntik pa akong matisod dahil medyo may kataasan ang heels kong suot.
