CHAPTER 34: Tampuhan

Magsimula sa umpisa
                                    

Muntik na akong matumba pero naramdaman kong may sumalo sa akin. Pagtingin ko, siya pala. Tumayo ako at umalis mula sa hawak niya at hindi na sana siya papansinin pero hinila niya ako pabalik. At dahil wala akong lakas, agad niya lang akong nahila.

 

 

“Ano bang problema mo?” Asar kong tanong sa kanya.

 

 

“Ikaw. Ikaw ang problema ko. Ano bang nangyayari sayo?” He asked coldly. Tiningnan ko siya sa mga mata pero umiwas lang siya. Ano bang problema?

 

 

“Bakit ako? Ano bang problema mo sakin?” Nagtataka kong tanong. He gave me sharp glance and I don’t know why but… I felt pain inside.

 

“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?” Tanong niya sabay talikod. I hold his wrist but he yanked away and I was surprised by his sudden actions. Naglakad siya palayo pero sinigawan ko siya.

 

 

“ALAM MO, ANG LABO MO! WALA AKONG GINAWA SAYO! IKAW NGA ‘TONG MAY KASALANAN SAKIN PERO KUNG UMAKTO KA PARANG AKO PA ANG MAY KASALANAN! KUNG GANYAN ANG GUSTO MO, PWES! BAHALA KA!” I yelled and walked faster to the clinic.

Pagdating ko don, agad akong tinanong ng nurse, sabi ko, masama ang pakiramdam ko. Agad niya naman akong inalalayan pahiga at sinabihang magpahinga.

Pag-alis niya, naramdaman ko nalang na may tumulong mga luha mula sa mga mata ko. Ito ba ang tinatawag nilang LQ? O baka naman tampuhan lang ‘to? O baka nag-aaway na kami? Kasisimula palang namin ito agad? Bahala talaga siya. Basta ako, wala akong kasalanan. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil naramdaman kong pagod na ito. I felt my body is tired too… Nagtakip ako ng kumot at tuluyan ng pumikit.

 

 

Drache’s POV

“Nasan si Vens?” Tanong ni Craise pagdating ko sa room. Hindi ko lang siya pinansin at umupo.

 

 

“Hoy Drache! Tinatanong kita, nasan ang kaibigan ko?”

 

 

“Ewan ko. Malay ko.” Asar kong sagot at hindi siya pinansin.

 

“ARGH!!! D*MN YOU ASSHOLE! Kapag may nangyaring masama kay Vens, tandaan mong lalaki ka!” Sabi niya at lumabas kasabay nila Mitch at Geen. Hindi ko nalang pinansin yon at kunot noong tumingin sa kawalan.

 

 

“Bro, may problema ba kayo?” Napatingin ako kay Seth.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon