“Rise and Shine beautiful Empress! I---*giggled* Shhh… baby, keep quiet, Mommy may wake-up. *he whispered* Ehem, uhm… see you later Empress… I hgaiherhqruqehrueqr” Huh? Di ko naintindihan yung huli. Bigla nalang kasing naputol. At anong… ibig sabihin, galing siya dito kanina?

Tiningnan ko kung anong oras na. 12 o’clock na pala. Bumaba nalang ako na naka hanging blouse lang at shorts. Baka andito pa yung ungas na yon. Dumiretso ako sa dining at halos bumalik ulit ako sa kwarto sa Nakikita ko ngayon. What the heck is this?!

 

 

Drache’s POV

“Ano? Naipadala niyo na ba? Handa na ba ang lahat? Yung mga bulaklak? Yung food? Yung resto? Yung mga gagamitin?”

 

 

“Bro, easy ka lang… magiging okay rin ang lahat. Kesa mataranta ka diyan, just relax at paghandaan ang mangyayari mamaya.” Sabi ni Seth sabay pat sa balikat ko.

 

 

“Kinakabahan lang ako. Paano kung hindi siya Umoo? Paano kung---”

 

 

“Eh kung wag na kaya natin ‘tong ituloy? Mukhang alam mo naman ang mangyayari eh.” Geenee said as she pointed me the paint brush that she is holding.

 

 

“Geen, easy… ganyan talaga yan… hayaan mo na.” Kats

 

 

“NapakaNEGA kasi niyang kaibigan niyo. Imbis isipin ang magandang mangyayari, hayan siya, nakatayo at talak ng talak ng mga hindi magagandang mangyayari. Eh kung ganon lang din naman ang mangyayari e di wag na nating ituloy ‘to.” Sabi niya sabay hagis ng paint brush.

 

 

“Kinakabahan lang naman kasi ako.”

 

 

“Pesteng kaba kaba yan. Gusto mo tanggalin ko yang puso mo para hindi ka kabahan? Letche! Kapag hindi mo napasagot si Venisse mamayang gabi, tandaan mong wala nang second chance. You’ve given a chance kaya if I were you, paghahandaan ko yon.” She said as Lester took her paint brush and give it to her.

 

 

“Wag mo namang tanggalin ang puso niya, baka mamatay yan bago masabi yung nararamdaman niya kay Venisse.” Lester

 

 

“Tigilan mo ako Lester ha? Baka ikaw unahin ko.”

 

 

“Ito naman, hindi na mabiro. Meron ka ba ngayon?”

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα