CHAPTER 30.3: 2 Days of courtship (Day 2)

Start from the beginning
                                    

 

“I’m taking the Empress. I mean… sinusundo ka.” Tiningnan ko lang siya. Ano bang nangyayari sa mundo at bakit ganito ang nararamdaman ko?

“Tara na?” Sabi niya sabay alok ng kamay niya. Aaabutin ko ba? Kapag oo, baka kung anong isipin niya. Kapag hindi, baka mapahiya siya sa sarili niya. Aish!

 

“Tara.” Sabi ko nalang at isinukbit yung bag ko sa kamay niya at naglakad mag-isa papuntang dining room. I heard him chuckled at medyo napangiti ako doon.

 

“Oh, gising na pala ang Empress, pwede na ba tayong kumain? Kanina pa ako nagugutom.” Sabi ni Kats.

Anong ginagawa ng mga ‘to dito? At bakit… Kumpleto talaga sila ha? Pati sina Gerard at Geenee, andito rin, wala lang yung mga katropa ni Spare.

Uupo na sana ako ng ipinanhila ako ng upuan ni Drache. Tiningnan ko lang siya pero nakangiti lang siya.

 

“Thanks.” I said as I sit. They were all looking at me and smiling.

 

“What?” I said and they turn they head.

Nagsimula na kaming kumain at walang nagsasalita samin, as in wala. Ayoko namang itanong kung sinong may pakana ng lahat ng ito dahil ayokong maopen yung about sa nangyayari ngayon. I just want everything to be normal just like yesterday.

Pagkatapos kumain ay napagpasyahan na naming umalis. Pumunta na ako sa garahe at pumili ng sasakyan ko. Pinili ko nalang ang Baby ko dahil ang tagal ko ng hindi nakakasakay dito. I want a moment with it.

 

“Woah… ngayon ko lang nakita ang White Veneno mo Vens…” Geenee said as her eyes widened.

 

“Hindi ko kasi gaanong ginagamit.” I said as I open and get into it.

“I want to ride here.” She said and was about to open it when Lester hold her hand and pulled her away from my Veneno.

“You can’t Geen. You’re riding with me.”

 

 

“Huh? But I want to ride with Venisse.”

 

 

“No more buts. Get in.” He said and opens his car door for her.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now