''Sa totoo lang po, OO. Mahal ko po ang anak nyo. Gu-Gusto ko po syang pakasalanan at makasama sa habang buhay. Ewan ko lang po sa kanya kung magkaparehas ang pananaw namin sa isa't isa.'' nadala na ako sa sinabi ko. Kaya tinuloy ko na para malaman rin ni Tito ang nararamdaman ko.

Tapos biglang sumulpot si Jera. ''So? Anong pinag-uusapan ninyong dalawa?'' kinakabahan ako baka sabihin ni Tito kay Jera yung sinabi ko! Patay! X﹏X

''Wala masyado anak,'' hoo.  ̄▽ ̄ RELIVED. ''Tingnan mo muna ang pet room mo anak. Dun katabi ng kwarto ko. May sasabihin lang ako kay CJ.''

''HUUWHAAAT?!!?! MAY PET ROOM AKO?!?!'' dali-dali syang tumakbo papunta dun sa pet room. Ano kaya sasabihin ni Tito?

''Oh, baka matapilok.'' tapos boom! Natapilok na nga! HAHA.

''Okay lang ako! Kaya ko ito!'' sabi nya.

''CJ, dapat sabihin mo na ang iyong tinatagong mong lihim sa kanya. Sabihin mo na habang di pa huli ang lahat. Di mo alam baka mamaya kunin ka nang DIYOS. Sabihin mo na para malaman mo ang nasa puso nya. Wala namang mawawala.'' may point si Tito dun! MAY TAMA SYEH! Pero seriously, dapat ko na bang aminin ang pinakatinatago kong lihim? Ano CJ?! Confess or not?

''Pag-iisipan ko po yang sinabi nyo. Salamat po sa payo.''

''Basta, ikaw.'' nakangiti nyang sabi.

CONFESSION SESSIONS na ba tayo? I'll think really hard about this ...

Jera's Point of View

Wow ang cute ng mga aso't pusa na inadopt ni papa! Kalimitan may lahi. Meron di namang pusakal at askal. Ang cute lahat ng inadopt ni papa.

Biglang pumasok si CJ sa kwarto. Tiningnan nya lang ako, tiningnan ko lang din sya. Tapos may binigay syang papel, tapos umalis na sya. Binasa ko yung nakasulat ...

Sa likod ng bahay sa may duyan dun. Punta ka. 8 pm.

Yun lang ang nakalagay. Ano kayang sinasabi nya? Ano nanamang kalokohan to? Siputin ko kaya sya? Bahala na si Batman kung di ako tamarin.

Lumabas na ako sa pet room. Nakita ko si papa kausap si CJ. Tapos pinuntahan ko sila. Nung papunta ako, biglang umalis si CJ.

''Pa anong pinag-uusapan nyo?'' pa-weird kong tanong.

''Ah, wala may tinanong lang.''

''Ano po yun?''

''Basta, kailangan mong puntahan ang garden.'' muhkang nagcha-change topic si papa! Kaya pumunta narin ako sa garden. Mula sa malayo, ayun ata yung duyan na sinasabi ni CJ.

Habang papalapit ako sa garden nakita ko si CJ, parang may kinakanta o memorize sya. Ewan!

''CJ!'' tinawag ko sya. Pero tiningnan nya lang ako at umalis na sya. Ang weird ng mga tao ngayon! Snober na itong si CJ, ah? Peymus na talaga?

Nakita ko yung mini garden ni papa. Ang ganda ng garden ni papa! Parang babae ang may-ari ng garden na ito!

Naisip ko lang, si mama kaya may garden ba syang inaalagaan?

Kaninong bahay kaya ang nililinisan nya?

Nakakastress maisip sya! Sana di ko na sya naisip! Sinabi ko sa sarili ko nung bata pa ako, pag nakita ko si mama dadaan na lang ako sa harapan nya na parang di ko sya kilala.

Dati pinuntahan namin ang isang bahay, ito yung bahay na sabi nila na bahay ni mama. Nung kinatok ko yung bahay si mama ang nagbukas. Abot mata ang ngiti ko.
'Mama! Akala ko di ko na kayo mahahanap!' masaya kong sabi. Tapos biglang may lumabas na lalaki.
'Hon, sino yan?' tanong ng lalaki. Nagtataka ako 'nun kung bakit hon ang tawag nya kay mama.
'Ewan ko. Sinasabi nya na anak ko sya.' sabi nya. Parang gumuho ang mundo ko nung sinabi nya yun.
'Pero kayo ang mama ko! Ako to ma, si Jera! Kayo si mama! Ayan ang kamay nyo may maliit na nunal!' tapos bigla nya na lang akong tinulak kaya nadapa sa semento. Iyon ang araw na nagtanim ng galit sa nanay ko.

Di ko namalayan habang tinitingnan ko ang bulaklak na paborito ni mama ay tumutulo na ang luha ko.

''Anak, wag mo namang diligan ng luha ang halaman. Baka malanta dahil kalungkutan ang dinidilg mo.'' sabi ni papa.

''Pa andyan pala kayo? Tara punta na tayo sa loob baka masira ko pa po ang maganda nyo pong garden.'' kaya pumasok na kami sa bahay.

Di ko namalayan magsi-six pm na pala. Tapos nanood na ako ng TV.

Mga 7:30 pm pinaligo na ako ni papa. Sabi nya may nakahanda na raw na damit ako dun sa closet.

Kaya naligo na ako.

Muhkang mayaman na si papa! May mini jacuzzi sya. And of course papalagpasin ko ba ang moment na ito. Kaso naisip baka bawal ako mag-jacuzzi kasi buntis ako. Kaya shower na lang muna.

May nag-agaw tingin sa akin, isang napkin. Nagtataka ako kung bakit may napkin dito. Pero naisip ko lang, sa apat na buwan na mag-isa sya, di kaya na loloner? Kaya nakutob ko na baka may bagong nagpapatibok sa puso nya.

Magagalit ba ako o hindi?

--End of Chapter 15--

Mahaba po ba ang chapter na ito? Muhkang maikli eh. Sana magustuhan nyo po!

16 and PregnantWhere stories live. Discover now