Fifty Four - Pagpapatotoo

365 66 0
                                    

May mabuti bang ginawa sayo ang Panginoon? Pwes, ipatotoo mo ito.

Kung nanonood ka ng The 700 Club Asia sa Channel 11 tuwing Wednesday at Friday 11 pm, marami kang makikitang taong nagbagong buhay at nagpatotoo kung paano kumilos ang Panginoon sa kanilang buhay.

Ikaw ba'y hinihikayat ng Panginoon na ipatotoo kung paano siya kumilos sa buhay mo? Kung gayon, ibahagi ito sa mga kaklase mo at sa mga taong kilala mo. Malay mo, dahil sa pagbabahagi mo sa kanila, may mapagtatanto sila at ikaw ang naging instrumento upang sila'y magbago.

Ibahagi mo rin dito sa wattpad, isulat mo at ipabasa sa mga readers.

Kung gusto mo talagang mabasa ng ibang tao ang iyong patotoo, maaari kang sumali sa mga book clubs at isa iyon sa mga way para mabahagian mo sila.

Ako po ay sumasali sa mga book clubs na nagkalat dito sa wattpad. Gusto ko po kasing maraming taong maliwanagan at magising sa katotohanan kaya gumagawa ako ng paraan upang mabasa nila ito.

Sabi nila, "Kung ayaw may dahilan kung gusto laging mayroong paraan."

Minsan, nakikipagpalitan ako ng story sa iba para humingi sa kanila ng feedback sa story ko. Nakakatuwa nga kasi maraming nagsasabi na "Totoo nga kuya!" , "Kuya, thanks for this kasi ang dami kong napagtanto." , "Tinamaan po ako!" Ayan like that, natutuwa daw sila kasi ngayon lang nila narerealize na mali ang mga ginagawa nila kaya ipagpatuloy ko lang daw ito.

Huwag tayong magsasawang manghikayat ng mga kabataan at kapwa-tao na hanapin ang ating Panginoon. Marami pa sa panahon ngayon ang bulag at nagbubulag-bulagan kaya hangga't maaari ay huwag tayong titigil na mahikayat sila.

Maging buhay na patotoo po tayo sa iba at ipaalam natin sa kanila kung ano ang feeling na na kay Cristo ka at kung paano siya gumalaw sa buhay natin.

I hope po na nagustuhan niyo kahit papaano ang ating tinalakay ngayon. I-apply po natin sa ating buhay ang mga natutunan natin dito. Be a good example po.

--------------------------------------------

Elmo's Note:

Salamat po sa patuloy niyong pagbabasa, sa walang sawang pagsuporta lalo na roon sa mga masisigasig magcomment at magvote! Natutuwa po ako kahit sa ganoong simpleng bagay lang.

Again, maraming salamat po! Kung may silent readers man diyan, paramdam po kayo hehe!

Comment and Vote po!

Let's Spread the Word of God!

Thank you!

Word of God

"Purihin natin ang Diyos na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin."

-Efeso 3:20

Kapag 'hindi' ang sagot ng Diyos sa ating hinihiling, makakaasa tayo na para ito sa ating ikabubuti.

Copyright © risingservant

All Rights Reserved 2014

Lord, Patawadحيث تعيش القصص. اكتشف الآن