"Hi Rhiane, good morning"bati nito sa kanya na nakangiti.

Napangiwi naman siya ng masilayan niya ang tatlong ngipin nito na naghihingalo ng nakakapit sa bagang nito.

Ewan ba naman niya sa taong ito ang lakas ng loob na ligawan siya samantalang kasing tanda na yata ito ng nanay niya. o baka nga kung mamalasin pa siya kasing tanda na ito ng lolo niya.

"Pwede ba Ryan wag kang ngingiti kasi naalibadbaran ako sayo ang aga-aga mong magsaboy ng bad vides"reklamo niya.

"Bad vibes iyon babes"pagtatama pa nito sa kanya.

Inirapan lang niya ito bilang sagot tapos sumakay na sa tricycle nitong naghihintay na sa tapat ng bahay nila. Hindi na niya ito pinansin pa sa buong biyahe nila. Lalo kasi siyang nainis ng itama siya nito kanina manong pinabayaan nalang siya nito sa kung anong sinabi niya. magkatunog naman ang sinabi niya sa sinabi nito hindi nalang inintindi.

"Anong oras kitang susunduin babes?"nakangiti na namang tanong sa kanya ni Ryan ng nasa palengke na sila.

Pinagtaasan niya ito ng kilay.

"Wow, boyfriend na boyfriend ang dating hiyang hiya naman ako sayo ano"pang-iinis niya dito.

Lalo naman siyang nainis ng parang mas tumaas pa ang confidence nito sa sarili sa sinabi niya dito. Kaya kaysa patulan pa ang kung anong pantasya nito sa kanya nagtawag na siya ng kargador para kunin na ang paninda niya at simulan na niyang magtinda.

Mas gugustuhin naman na niya ang mapagod siya sa kakaistima ng mga parokyano niyang mamimili ng paninda niyang gulay kaysa sa maubos ang powers niya sa kahanginan ng kaharap niya.

KALAHATING araw lang siya kung magtinda ng mga gulay sa palengke. Makatapos siyang makapaglako mamimili siya ng kakainin nilang mag-ina sa tanghalian pati na din sa hapunan at agahan nila para bukas bago siya umuwi. Pagdating niya sa bahay nila magluluto pa siya ng tanghalian nila ng nanay niya na hindi niya alam kung saang lupalop naroroon.

Mag-isa na siyang kakain ng tanghalian, tapos noon mag-iiwan siya ng kaunting pera para sa kapritso ng nanay niyang sugal bago siya umalis.

May trabaho kasi siya sa hapon, iyon ay ang magbantay ng computer shop ng kaibigan niyang si Tina. Klasmayt niya ito noong elementary at high school siya, nakapangasawa ito ng may kaya sa bayan nila kaya naman kahit papaano nakakaangat na ito sa buhay ngayon.

Mayroon itong computer shop, karinderya at paupahan sa bayan. Kaya kahit hindi na ito nakapag-aral ng kolehiyo ay okay na din.

"Rhiane, aga natin ngayon ahh"puna sa kanya ng isa sa mga tindera sa katabing store ng computer shop.

Siya na kasi ang nag bubukas at nagsasara ng computer shop ng kaibigan niya. dadaan nalang ang kaibigan niya isang beses sa isang linggo para kunin ang kinita ng shop at ang paswelduhin siya.

"Maagang nakaubos"simpleng sagot lang niya dito.

Pagpasok niya sa loob ng computer shop, naglinis muna siya sa buong paligid niya bago niya tuluyan na binuksan para sa mga gagamit ng computer. Pumuwesto naman siya agad sa lamesa niya para mag-online na din.

Wala pang sampong minuto mayroon na agad na mga costumer na pumasok. Karamihan mga estudyante ng malapit na kolehiyo sa kanilang lugar.

"Hi sweetheart!"bati niya sa boyfriend niyang kano.

"Hi sweet"bati nito sa kanya.

Kagabi lang niya ito nakilala pero boyfriend na niya agad ito. ganoon naman ang kadalasang mga nakakachat niya. pagkakita palang sa kanya mag- I love you na agad tapos siya din sila na. pero walang nagtatagal sa kanya kasi lahat mga manloloko.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now