CHAPTER 2

1K 66 3
                                    

👧 Author's Pov

Naglalakad ang dalawang magkaibigan papunta sa isang coffee shop.

"Dito nya ako pinapapunta e" sabi ni Maymay

"Sigurado ka na ba dito? Baka mamaya anong gawin sayo niyan"

"Kaya nga kita sinama diba? Saka diba ito naman gusto mo humanap ako ng ibang pagkakakitaan?"

"Oo pero kinakabahan pa rin ako ako sayo e"

"Nuh ka ba relax ka lang. Chill, I got this"

Sabi niya kay Pat. At maya maya pa ay nakita na nila ang kanilang hinihintay. Tumayo sila at binati ito.

"Salamat po at nakarating kayo" saad ni Maymay.

"Oo naman may atraso pa ko sayo, anyway ano pala matutulong ko sayo?"

"Uhm kuya, pwede niyo po ba ako bigyan ng trabaho? Kahit part time lang?"

Napaisip ang lalaki saglit.

"Nako hija, baka di mo makayanan pag ikaw ang binigay ko."

"Nako, wala pong hindi ko kaya. Lahat po gagawin ko."

"Actually, naghahanap yung boss ko ng assistant. Ano bang natapos mo?"

"Highschool po, pero nag aaral pa rin po ko. Nahinto lang po kasi kinapos po ako ng budget. Kaya nga po humihingi ako ng tulong sa inyo."

"Ah ganun ba? Paano ba to. Kasi ang assistant na hinahanap niya is collage graduate e."

"Kahit taga laba nalang pi ako ng damit nya"

"Nako, hindi niya pinapagalaw sa iba yung gamit nya e. Sige ganto nalang. Sumama ka sakin ngayon. Try natin kung makakapasa ka. Malay mo makuha ka. Mabait naman si Sir. Kaso medyo suplado lang. Pero okay naman."

"Ilang taon na po ba sya?"

"He's 18"

"Ano?!!" Sabay na sabi nilang magkaibigan. Na tipong di makapaniwala

"Teka po, you mean to say sya ang may ari ng company niyo?" Gulat na sabi ni Maymay.

"Oo, soon. As of now kasi yung Father nya ang nag hahandle ng kumpanya nila. Kumbaga trainee palang sya."

"Eh pano ko susundin sya mas matanda pa ko sa kanya?"

"Sobrang matured at matalino mag isip si Sir Ed."

"What if po makapasok ako, how much the salary?"

"30 thousand a month."

"30 thousand a month!!!!!" Nagsabay nanaman sila. At biglang nagbulungan. Agad naman nilingon ni Maymay ang lalaki.

"Sige, payag po ako. Sasama po kami ngayon"

"Okay sige. Tara na" Aya nito sa kanila.

Sumunod ang dalawa. At nagkaroon ng paguusap sa loob ng sasakyan. Hanggang sa marating na nila ang office ng BIC.

"Wow! Ang laki ng building nila at ang ganda"

Manghang mangha ang dalawa sa mga nakikita.

"Kuya, dito po ba tayo?" Tanong ni Maymay

Tumango naman agad ang lalaki. Pumasok sila sa opisina. At doon ay naghintay sila.

"Maiwan ko muna kayo ah. Kakausapin ko lang si Boss Ed."

"Okay po."

Makalipas ng ilang sandali. Pinatawag na si Maymay sa opisina.

Nakaramdam ng konting kaba. Hindi niya alam kung ano ang mga susunod na mangyayare lalo na't first time niyang gagawin at wala pa syang experience. Kumatok sya. At sabay bukas naman ng pintuan. Dahan dahan syang pumasok at doon ay sinalubong sya ni Peter ng nakangiti at lumabas din agad.

Beautiful SoulWhere stories live. Discover now