"Tara sa Starbucks." Tinaas baba ni Yen ang kilay niya habang nakangiti naman sakin si Stephy. They want a story. Napailing nalang ako.

     

"Thea." Napalingon sila pati ako sa may parteng gilid ko. Si Ace.

"You forgot that we need to finish this." Itinaas niya yung mga papers na ginawa namin kanina.

"Ako nalang ang tatapos niyan." Suggest ni Eca. Lumapit din siya sa may upuan ko.

"No. Its a group activity. Walang aalis." pagkasabi ni Ace ay bumalik na siya sa upuan niya at nagsimulang magsulat. Sumunod na sa kanya si Eca.

"Next time nalang?" pilit akong ngumiti kay Yen na mukhang naaasar sa pangyayari. She hates him because of me.

"Do we have a choice, Tara na stephy." Nagpapaalam na sila sakin.

Nagkalat ang mga scratch papers ko. Patapos na sila pero blangko na naman ang papel ko. Magsisimula ako pero uulitin ko.

Gumagawa kami ng mga figures at may sinusunod yung measures. Mula sa haba ng guhit at espasyong sasakupin.

"Tulungan mo naman ako." Sabi ko Eca ng hindi siya nililingon.

"Ganto kasi yan, hawakan mo ng maayos yung ruler para hindi gumalaw at hindi mabago yung mga susunod na lines." Nagulat ako ng isang malapad na kamay na pag mamay ari ni Ace ang humawak sa kamay ko hinawakan din niya ang ruler at tinulungan ako.

Lalong nagwala ang puso ko ng makita si Eca na kakapasok lang sa room. Hindi pala si Eca ang kanina ko pang nasa likuran. Napatingin si Eca samin at ngumisi. Bigla siyang napabitaw ng hawak sa kamay ko.

"Alright, tapos na lets have a dinner na din." Suggest ni Eca habang sinisimulang ligpitin ang mga gamit na nagkalat sa lamesa.

 "Sige, my treat." Pagsang ayon ni Ace sa plano. Hinila na agad ako ni Eca sa braso para kapitan pagkatapos naming mag ayos. Naunang naglakad si Ace sa parking lot para kunin yung sasakyan niya.

Akala ko pagtatalunan pa namin ni Eca kung sino ang uupo sa front seat. Ayaw niya kasing uupo siya sa unahan pero nakakahiya daw kay Ace kung wala siyang katabi baka magmukhang daw driver pero mukhang may taong naghihintay kay Ace na nakasandal sa gilid ng kotse niya.

"Babe." Nilapitan niya agad si Ace at ipinatong ang mga braso sa balikat nito para halikan. Inilagay naman ni Ace ang braso niya sa baywang niya. Huminga ako ng malalim. Buti nalang madiilim na at hindi pa kami ganun kalapit sa kanila.

"Bat nandito ka? May usapan ba tayo." Kulong ang parking area ng school kaya malinaw kong naririnig ang usapan.

"Wala, naisip lang kita bigla." Sambit pa nung babae. Mukang nakalimutan ni Ace na kasama niya kami.

 

"May kasama ka?" Napansin kami nung babae. Bumitaw si Ace sa pagkayakap at mabilis kaming nilingon.

 

"My classmates. We will having a dinner."

"Hi, Im Yra." Inabot niya ang kamay niya samin.

"Eca."

"Thea." Nakipagkamay kami sa kanya. Mukhang hindi niya alam na ex ko ang boyfriend niya.

"Do you mind if i join you?" Ngumiti nalang kami ni Eca sa kanya.

Nasa backseat kami ni Eca at syempre yung girlfriend niya ang katabi niya sa unahan.

Pinagmamasdan ko si Yra. Isa din siyang gangster base sa porma niya at ilang pasa sa braso pero ang ganda niya at lagi din siyang nakangiti hindi katulad ng iba na laging parang laging sasabak sa labanan. Pero mas napansin ko yung magkahawak na kamay nila ni Ace.

"Pano niyo nagagawang maging civil sa isa't isa?" Napatingin ako kay Eca sa tanong niya. Nakatitig siya sakin na mukhang nag iintay ng sagot.

"Siguro dahil we moved on at tanggap na naming hanggang friends nalang kami." I lied.

Ngumiti na lang ako ng pilit sakanya. Kung alam nila lang ang totoo na ilang beses akong sinasaksak dito sa upuan ko dahil may humahawak sa kamay ng mahal ako at hindi na ako yun. Kung pwede ko lang ipikit ang mata ko ngayon pero hindi ko ginawa dahil alam kong pagtataksilan lang ako ng mga luha ko.

Loosing GripWhere stories live. Discover now