CRUSH ko si IDOL

851 5 0
                                    

CRUSH ko si idol

Paroo't parito mga tao,
Magulo, maiingay sa paligid ko,
Napatingin ako mula sa malayo,
Sa dako ruon, ako'y napahinto,
Sa maamong nyang mukha ako'y napako.

May tumawag sa kanyang pangalan.
May naghiyawan na pawang mga kinikilig pa,
May bukod tangi pumukaw sa puso ko,
Ang tinig na nagmula sa mikropono,

humawi ang daan mula sa gitna kung saan nandun ako sa dulo,
Sya ang nakita ko, habang kumakanta sa entablado.
Sya nga ang tinig na pumukaw sa puso ko.

Parang syang anghel na mailap,
Mga matang nangungusap,
Mga ngiting matipid, parang iniipit,
Malamig mong himig aking naririnig,
Unti unti akong napapapikit,
At ramdam ko'y parang nasa langit.

Lumingon sya sa akin,
at sa ngiting nyang matipid,
Tingin koy napako gustong lumihis,
Puso koy puro kaba at di mawaglit,
Ngunit bakit ako parang kinilig.

Kakaiba sya sa mga idol kong nakilala,
Simple pero nakakamangha.
Puso ko'y nabihag na,
Damdamin ko'y tumatalon sa tuwa.

Bawat tawa nya'y napapangiti ako,
Bawat sulyap nya'y, napapayuko ako
Nais kong lumapit, pero bakit,
lumalakas ang kaba sa dibdib?
Anu ba ito, naguguluhan ako.
Anung ibig sabihin ng damdamin ko?

Paghanga ba o pag-ibig na kaya ang nadarama?
Oo nga pala, isa lang akong ordinaryo,
Na napapangiti mo.
Na tulad ko, nais kong mapansin mo,
Pero paano? Gayong marami kaming humahanga sa sayo.
Na imposibleng makilala mo.

Hinihiling ko lang, sana isang araw
ako naman ang mapansin mo,
Na minsang humangad ng tulad mo,
At ikaw at ako ay pwedeng maging tayo?
Sana..... Kahit imposibleng maging tayo.
O baka nga sa panaginip magkatotoo.

By jackhemz

Spoken Words Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon