"Ah talaga, salamat ah, may sukatan kayo?" sabi niya.

"Yes po, dito po oh." sabi niya at turo sa isang kwarto.

"Galing mo ah, saan mo nalaman iyon?" bulong ko.

"Wala narinig ko lang sa katabi mong lalaki." sabi niya.


Ah, akala ko marunong siya, narinig lang pala niya. Pero may pakinabang ang kagwapuhan niya ah, nakakatipid ako.

Atsaka para sakaniya naman ito, kaya malamang lang na tulungan niya ako kahit sa simpleng bagay na magagawa niya bilang isang malaking bampirang ignorante.

Hinintay ko siya sa labas at paglabas niya, suot niya ang vintage pink na medyo maluwag sakaniya, damn ang hot niya.

"Bagay sa'yo." sabi ko.

"Syempre, gwapo ang nagsuot." sabi niya at seryosong pumasok muli sa fitting room.

Ay, ay, I am shookt. Pero bagay sakaniya ang damit ah, nakatipid pa, singkwenta tatlo agad, mukhang marami kaming mabibiling damit at mga shorts ah.

Lumipas ang ilang oras na paglilibot namin sa palengke para bumili ng damit, naisipan kong pakainin na itong bampirang ito dahil nagugutom na daw siya, at pawis na pawis na siya, kawawa naman.

He's still holding my hand, bumibitaw lang siya kapag mag susukat siya. Ibang klase rin ito eh, kinareer ang paghawak sa kamay ko.

"Kuya 50 na dugo, wag mo na lutuin." sabi ko.

Pagkabigay niya, bumili na rin ako agad ng pagkain ko at sa bahay na kami kakain baka may makakita pa na kumakain si Darryll ng hilaw.

Pag-uwi namin, walang wala si Flash sa bilis niyang kumain, mukhang gutom na gutom nga, ngumiti nalang ako na para siyang bata na sobrang saya na nakuha ang gustong laruan.

Binigyan ko siya ng ice cream, favorite na favorite niya ang ice cream ah. Ang cute niyang tingnan, pero napatigil ang pagngiti ko nang nagsalita siya.

"Anong ginagawa mo, bakit ngumingiti ka habang nakatingin sakin?" sabi niya at nakakunot ang noo.

Nataranta ako, "Ah, wala wala, may naalala lang ako." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Gusto mo mag-aral?" sabi ko.

"For?" sabi niya.

"Pero kailangan maging scholar ka, para maka pasok ka, wala kasi akong pera para pag-enrollin ka." sabi ko.


"No thanks, parang nakakatamad mag-aral." sabi niya.

"Para sana matulungan mo ako sa pag tatrabaho, dahil ang hirap kaya." sabi ko.

"Bakit, sinasabi mo bang pabigat ako?" sabi niya at sumimangot at nagpula ang mata.

"Ha—hala hi-hindi a-ah!" sabi ko at natatakot nanaman.

"Huwag mo akong sinasabihan ng gano'n ah." sabi niya at nawala na ang pula sa mata.

Kumain lang siya nang kumain, sumimangot nalang ako. Masaya naman ako na may nakakasama ako sa bahay, kaso kung ganito naman ang kasama mo na parang gagawin kang kasambahay.

Huwag nalang, dahil nagtatrabaho ako para sa'kin hindi para sa iba at mas lalong hindi para sakaniya, wala na ngang galang sa babae ganiyan pa siya maka-asta.

Pero ano bang magagawa ko, isa siyang di hamak na bampira na walang alam kung hindi kumain nang kumain.

"Why are you pouting?" sabi niya nang napansin niya ako.

"Huwag mo nalang ako pansinin." sabi ko at nawalan na ng gana.

Tumayo ako at dumiretso sa maliit kong table para i-compute ang pera ko dahil kailangan ko pa itong mapa-abot ng next month.

My budget is 5,000PHP pero dahil bumili kami ng halos isang libong halagang mga damit at bili nang bili ng pagkain itong si Darryll.

I have only 2,369PHP left, kailangan ko ng magtipid, kung hindi mawawalan ako ng pera, siya nalang pakakainin ko at magtutubig nalang ako.

"You need money?" sabi niya sa gilid ko.

"No." sabi ko.

"Good, magsacrifice ka naman para sa'kin, dahil anytime I can kill you." sabi niya.


Bakit ko ba kasi ito tinanggap sa buhay ko, ngayon, kailangan ko tuloy magsakripisyo.

Sana lang ay kayanin ko, sana.

____





Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now