TTG: 21 - Forgotten Memories

Start from the beginning
                                    

" Huwag ka ng umiyak... Nandito na ako. " tugon niya at humikbi lang ako.

Dahan dahan akong yumakap sa kanya pero hindi ko siya mahawakan kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

Sinubukan ko ulit hawakan ang kamay niya pero parang hangin lang siya.

Bakit ganon? A-anong nangyayari? Tinignan ko siya ng may nagtatakang tingin at nakangiti lang siya sa'kin.

" Nathan? B-bakit hindi kita m-mahawakan? " tanong ko.

" I'm sorry... You can't touch me, Kezya... Don't you remember what happened to me? " nag aalalang tanong niya na ikinagulat ko lalo.

Muli kong inalala ang mga pinagsamahan namin at doon na lang ako kinabahan nang maalala ko kung bakit siya—

" Anong sinasabi mo,  Nathan? " naguguluhang tanong ko pero ngumiti lang siya ng bahagya.

" Kezya... I'm dead. And this... " turo niya sa paligid ko.

" All of this are just part of your dream and that means, i am just part of your dream, Kez. " nalulungkot na sabi niya kaya mas nagulat ako!

Bigla na namang nangilid ang mga luha ko at umiling iling habang nakatingin sa kanya.

" N-no... T-this is not a dream, Nathan. This is true. You are true. Hindi 'to panaginip, N-nathan... " umiiling na sabi ko habang naiiyak na.

Pinigilan kong wag tumulo ang mga luha ko pero nabigo ako. Tuluyan na silang dumausdos pababa sa mukha ko.

" Binisita kita dahil gusto kong makita ang lagay mo... Malaki ang pagbabago mo, Kez... Parang hindi na makilala. Dati...  masayahin ka, maputi ka, at ang mga mata mong walang halong lungkot kahit kaunti at higit sa lahat, maganda ka... Pero anong nangyari sa'yo?  Anong ginawa mo sa sarili mo, Kez? Bakit ka nagbago? " nag aalalang tanong niya.

Nanghina ang mga tuhod ko at sa tingin ko ay babagsak ako nito kapag humakbang ako.

Hindi ko akalaing makikita ko siya rito at pagsasabihan niya ako ng ganito matapos ng mga ala alang kinalimutan ko na.

Hindi agad ako nakapagsalita. Pilit kong inalala ang dating ako...

Ang dating masayahin na Kezya ang dating Kezya  kinahahangaan ng pamilya ko
Lahat 'yon nagbago nang mawala si Nathan sa'kin.

" Dahil... dahil nawala ka... Naiwan akong mag isa, Nathan. Sobrang pagsisi ang naramdaman ko nung mga panahon na nawala ka. Parang pinapatay ako ako ng nararamdaman ko, Nathan. Ang sakit lang dahil nawala ang taong nag iisang nagturo sakin kung paano pahalagahan ang pagkakaibigan, ang taong nakasama kong magbuo ng mga masasayang ala ala, ang taong tinuring ko ng kapatid, ang taong pinahalagahan ko ay nawala dahil sa'kin. Nathan, nagbago ako dahil n-nawala ka at ngayong bumalik ka na... parang ayaw na kitang pakawalan. " lumuluhang sambit ko.

Tinignan niya lang ako ng may malungkot na mukha.

Bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko noon. Ang sakit na parang mapapatay ako!

" Kezya, hindi iyon sapat na dahilan para baguhin mo ang sarili mo. Hindi porke nawala ako ay magbabago ka na. Gusto kong nakikita kita sa dati mong anyo. Tignan mo, binubully ka nila dahil diyan at hindi ka man lang makalaban. Wala ako diyan sa mundong tinatapakan mo para ipagtanggol ka sa mga nambubully sa'yo. Kaya mo naman silang labanan di'ba? Lumaki kang palaban Kezya. Pero bakit hindi ka lumaban? Ayokong makitang sinasaktan ka nila ng ganon. Ayoko ng ganyan ka, sana... bumalik ka na sa dati. Yung Kezya na nakilala ko, yung palangiti palagi. Makita ko lang ang ngito mo ay masaya na rin ako. " mahinang tugon niya.

 Tutoring the GangsterWhere stories live. Discover now