ONE SHOT STORY #HHC2018

76 8 3
                                    

  

   Nabuhay ako sa mundo na magkalaban na ang mga wizards at mga witches. At dahil dun nahati sa  dalawang pangkat ang mundo namin.

  Nabuhay akong may hinanakit sa mga wizards. Kinuha nila ang ama ko pati na rin ang lalaking mahal ko.

   Ako si Hermione Granger at ito ang kwento ko.

×Π×

       Nakaupo ako ngayon sa sanga ng puno. Pinagmasdan ang matataas na harang palibot sa isang lugar... Ang Wizard World..

     Napatigil ako sa pagmumuni- muni nung may nakita akong lalaking kasing-edad ko lang siguro na tumatakbo papunta sa gubat. Teka? Di naman siya siguro galing sa Wizard World, dba? Pero sa direksiyon siya ng...

    Agad akong bumaba ng puno upang sundan ang lalaki nung may tumakip ng bibig ko.

     "Hmm! Hmm!!"- pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero di ko matanggal. Kinumpas ko ang kamay ko sa hangin at agad naman natanggal ang kamay niya sa bibig ko.

  Tiningnan ko kung sino ang gumawa nun.. "Ron!"

      "Please, kunin mo na."- ani niya at tumawa na lang ako dahil sa sitwasyon niya ngayon. Muli kong kinumpas ang kamay ko at agad naman siyang nahulog.

   "Grabe! Salamat ah! Ang bait mo talagang kaibigan!"- saad niya habang hawak ang parte ng likod niya.

    Ngumiwi lang ako tsaka tumalikod sa kanya.

   "Ikaw talaga Hermione! Ang sungit mo talaga!"- sambit ni Ron habang inaakbayan ako.

    Napatigil ako sa paglalakad at kinuha ang kamay niyang nakaakbay sakin. "Bakit ka ba nandito?"- seryosong tanong ko dito. Nakita kong nagbago ang expresyon ng mukha niya.

   "G-gusto lang naman kitang makita."- ani niya.

   "Alam mo bang pwede kang makulong sa ginawa mong pagtakas?"- diin kong sambit.

   Yumuko lang siya. "Namiss lang naman kita. Higit dalawang buwan na tayong di nagkikita."- sambit niya tsaka tumingin sa mga mata ko.

    "Magkaibang mundo na tayo Ron. Di na tayo tulad ng dati."- lamig kong saad tska tinalikuran ko siya.

   Kahit masakit ipagtabuyan si Ron wala na akong mawawala. Hinati na kami.. Magkaiba na kaming dalawa... Witch ako.. Wizard siya..

~~~~~

   Umaga, maaga akong namili ng aking mga sangkap. Habang busy ako sa mamimili naagaw ang aking atensyon sa isang lalaking nakasalamin at nakasuot ng sombrero.

    Nagkatinginan kaming dalawa. Bakit ganon siya makatingin? Ang talim..

    Nawala ang pagtitinginan namin nung may dumaang mga tao. Akala ko nandun pa rin siya pero.. wala na.

   
  Haist!

Tinapos ko na ang pamimili ko upang makauwi na. Napangiti nalang ako dahil kahit payak lang ang pamumuhay ng mga witch.. Masaya naman kami.

   Bogghh!!

Natumba ako sa tindi ng pagkakabangga sakin. Dahilan din upang kumalat ang mga pinamili ko.

   "Tsk!"- napalingon ako sa taong bumunggo sakin. Agad akong tumayo at matapang siyang hinarap.

   "Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"- galit kong ani sa lalaking nakayuko. Wala ba siyang mukha?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wizard's Whisper #HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon