Bituin, bituin, ako'y nabihag mo,
Ako'y natulala sa gandang taglay mo.
Ngunit ano ang nararapat kong gawin?
Walang karapatang ika'y maging akin.
Magagandang bagay na 'yong tinataglay,
Liwanag sa dilim na 'yong binibigay.
Ngunit ako'y takot tuwing umuulan,
Baka ang ganda mo'y 'di ko masilayan.
Ngayo'y parang naiintindihan ko na,
Na hindi tayo para sa isa't-isa.
Mataas ka at mababa lamang ako,
Ngunit hindi tapos pagmamahal sa 'yo.
Hanggang dito na lamang ako sa baba,
Malungkot masilayan ang iyong mukha.
Sa puso ikaw lang at wala ng iba pa,
O bituin ko, mahal na mahal kita.
